LP: Kwentong Dyip

DSCN1725

Mula Batanes hanggang Tawi-tawi, mula Palawan hanggang Davao Oriental, saan mang sulok man ng Pilipinas, sa kanayunan man o sa lungsod, siguradong mamumutawi sa iyong mga mata ang sari-saring kulay at disenyo ng libo-libong mga pampublikong dyipni dito lang sa ating bansa. Mayroon rin na de aircon na usually matatagpuan sa Makati. Mayroon ding dyipni na kung tawagin ay patok dahil ito yung mga dyip parang lumilipad sa bilis.

Hindi ako taga UP o nakatira sa lugar na iyon pero pag napapadaan ako dun may nakaktuwang byahe ang mga dyipni doon, UP Ikot at UP Toki pero dahil sa ginawang jogging lane ang isang bahagi ng kalsada sa loob, nawala na ang UP Toki at naging one-way na lang ang mga dumadaang sasakyan.

Maaring hindi lang sa ating bansa mayroon jeep pero masasabi ko na dito lang sa ating bansa mayroong mga ganitong klase ng mga dyip na makikita ang pagkamalikhain ng mga pinoy. Mapa design man o maparuta, napaka creative talaga. :)

Eto po ang aking lahok sa linggong ito sa Litratong Pinoy.
Happy LP sa lahat.

Advertisement

23 Responses to LP: Kwentong Dyip

  1. Tagal ko na ring di nakakasakay sa jeep! Naiinis kasi ako sa mga drivers eh. Hahaha!

  2. Dapat jeep rin ang lahok ko, kaso wala akong makuhang magandang kuha.
    Meron pa nga akong nakitang dyip dati na sobrang dami ng ilaw!
    Good entry Jeanny!

  3. Sa pInas nga lang yata makakakita ng mga flamboyant jeepneys! At ang haba ng isang ito ha :)

  4. wow ilang taon nako di nakaksakay ng jeepney..matagal na din pala ako nawawala sa Pinas…

  5. may bisita akong mga kano dati na pinasakay ko sa jeep. sobrang silang naaliw dahil daw sa honesty ng mga Pinoy—kusang nagbabayad (hehe) at pa’no daw nagagawa ng driver ang manukli habang nagmamaneho? sabi ko, magaling lang talaga mga Pinoy sa multi-tasking.:D

  6. isa yan sa kinamamangha ng mga turista sa atin. at ang pagsakay nito sa taas habang bumabyahe sa probinsiya ay kailangan masubukan.

    • ibig mo ba sabihin taas ng jeep? hahaha oo nung nsa liblib na lugar kami sa iloilo noon nagulat ako bakit may sumasakay sa bubong hahahahahhaha kakatuwa!!!!

  7. talagang only in the philippines! :)

    P.S. I miss up. tagal na ako di nakakasakay ng toki ah :)

    eto naman po ung akin :D

    Dito lang

    HAPPY HUWEBEST KA-LP :D

  8. kung ang jeepney ay one of a kind, ang mga jeepney drivers ay one of a kind din. tandaan, basta driver, sweet lover. hehe.

  9. agree…. hari ng daan nga ang tawag sa kanila dito sa Pinas. Happy LP!

  10. nakow..walang kasintulad itong dyipni:)

  11. only in the philippines! sabi nga nila. at dagdag pa, meron ding mga jeepney drivers na sobrang lakas magpatugtog.

  12. i love ikot! maganda nga ang jeepney sa atin, kaya lang peligroso rin lalo na sa gabi. ito lahok k: http://sweetcarnation.blogspot.com/2009/06/lp-dito-lang-only-here.html

  13. hehehe tutuo yan. ang jeep lang natin ang maganda. kaya nga karamihan ng mga dayuhan ay gustong gustong sumakay sa jeep natin.

  14. Hay naku, my staple ride nung wala pa kaming sasakyan…sana lang yung ibang drivers maging maingat sa kanilang pagda drive, kakatakot kasi minsan.

  15. Nung sinamahan ko dyan ang kapatid ko para mag-enroll, aliw na aliw ako na bawat punta namin sa ibang building, kailangan pang sumakay ng jeep hehehe

    Happy LP po!

  16. sa Pilipinas lang talaga matatgpuan ang dyipni. Ito talaga ang matatawag nating sariling atin!

  17. kung tama ang pagkaka-alam ko, dito lang sa Pilipinas may jeep na ganyan. kaya ata ayaw nila i-dissolve ang mga ito. :)

    ang gaganda ng mga jeep natin ano?

  18. ANg dyip, bow. Isa sa mga “hari ng kalsada”

    Teka, masyado yatang malapit ang bata sa dyip na yan.

  19. oo nga sa pinas lang to! iba talaga si manong sarao! salamat sa kanya! :)

  20. dagdag kaalaman, napansin ko lang na iba iba ang itsura ng jeep sa iba ibang probinsya sa pinas :)

  21. iba talaga ang gawang pinoy!

    korek! Galing di ba?!

  22. oo nga, sa UP lang ang byaheng “toki!” hindi mo kelangang maging iskolar ng bayan para makasakay nito! hehe

    Oo nga. Pag pinupuntahan ko yung friend ko na taga UP yan lagi kong sinasakyan noon :)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

Gravatar
WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s