
Maliban sa aking wedding ring na lagi kong suot, hindi naman talaga ako mahilig mag-alahas dangan kasi lagi akong nag cocommute papuntang opisina. Kaya ang madalas kong suotin ay yung mga accessories na nakikita nyo sa picture. Yan ang aking mga pang araw araw na “alahas.”
Ang iba dyan ay nabili ko online tulad nung malaking kulay kahel na hikaw.Sa online shop ni Chynna Ortaleza ko yan nabili. Yung iba naman galing sa aking mga kaibigan na nakilala online tulad ni Caryn, sya gumawa noong kulay asul na hikaw, regalo nya noong kaarawan ko (ganda noh?) at yung pumpkin earrings (paborito ko rin) naman galing kay Maricris ang aking unang creative swap partner.
Marami pangkwento bawat isa. Nais ko pa sanang i-share kaso hahaba. Kaya yan lang muna.
kayo ba may paboritong alahas? Ginto ba, pilak? O kaya’y katulad ko mahilig sa mga abubot na pang kikay, hehehe!
isang masayang araw ng litratong pinoy sa lahat!






huwaw! ansarap namang makitang nakadispley yan!
glad you liked them sis!
Those are lovely accessories. I have a similar accessories holder.
mas maganda yung mga fshionable na hikaw, paiba iba ng hugis, kulay, style etc. kaya masuot mo ng paiba iba match sa damit na sinusuot mo no?
magaganda naman yan kahit di mamahalin. ang importante e bagay sa yo at sa okasyon. ito sa akin: http://sweetcarnation.blogspot.com/2009/03/lp50-paboritong-alahas-favorite.html
type ko rin yung mga ganung klaseng alahas, nakakatuwang isuot
ang daming burloloy ah! naku! hindi na naman ata ako makakasumite, ang dami kasing trabaho at palugit!
ay ang taray ng mga borloloy!! cute nga ng lalagyan mo. gusto ko din ata nyan
LP : Alahas
Siyempre, dapat match sa damit na suot, di ba?
Happy LP!
Ako man, mahilig din sa mga borloloy. Ganda kasi kung terno sa suot mo at ako rin madalas mag-commute kaya mga ganyan lang an sinusuot ko. Ganda ng mga borloloy mo.
Nice!! Ladies who wear accessories like those have a really cool fashion sense. I always prefer artistic and unique accessories from alahas… It has more character kase.
apir tayo! mahilig din ako sa mga kagaya n’yan…
pang-terno yan sa iba-ibang kulay na kasuotan.
i could tell na very girly-girl ka.
Ooops! Nadoble, este triple an pala. Paki bura na lang. Salamat!
Gusto ko yung pumpkin earrings. Naalala ko yung mga bling bling na iniwan ko sa Pinas hehee.
Ang galing namam, bawat alahas ay may kwento pa.
Maligayang LP!
Ang galing naman, bawat alahas may kwento pa!
Maligayang LP!
ang kyut ng mga kakikayan mo
matingnan nga iyong ibang produkto ng mga kaibigan mo. maligayan LP!
ok lang maging kikay basta’t huwag lang sosobra, hindi ba? nakakatuwa sa atin dahil maraming mabibiling mga aksesorya na sadyang napaka unique ang itsura.
hehe, kikay nga… happy huwebes…
wow! dami naman nyan!
nice collections. love those earrings
. mahilig din ako sa mga chunky stuff malaking hikaw, bongang kwintas yun nga lang hindi ko masuot sa office kasi muka naman akong over sa attire hahahaha bihira din naman akong gumimik. hehehe
uy suki ka pala ni marikurisu, hehehe! ganda ng mga creations niya no?
cute naman ng collection mo! ako rin nung nasa pinas, hindi ko pinang-aaraw-araw ang mga tunay na alahas (na hinihiram ko sa nanay ko, hehe) dahil alam mo na…. delikado.
sana madagdagan pa yang mga alahas mo
ganda ng pagkakakuha. galing din ng kulay.
http://blographics.wordpress.com
ung lalagyan ang napansin ko. maganda. atsaka tama ka kung magcocomute dapat ganyan ang suot. mahirap na.
milet
http://blipbit.com
Aba may istorya ang collection mo,, ako rin mahilig mag suot ng fashion jewelries…. pero eto ang fave ko http://aussietalks.com/2009/03/litratong-pinoy-paboritong-alahas.html
ako hindi masyado mahilig sa accessories. mas gusto ko yung mga alahas talaga, although di naman din ako mahilig doon. ang suot ko lang araw araw ay relo at hikaw. pag di kasi ako nakasuot ng dlawang yan, para akong nakahubd. he! he!
Kikay to the max nga – hahaha!
I’m so sure na “carry” mo lahat ng yan, sister! Gandang LP po!
uy ang daming koleksyon!
LP:Jewelry
cute ng collection mo! lalo na yung pumpkin earrings…perfect for halloween.
haha love ur title! At tamang maging praktikal! Apir!
Naku sister, smart ka! Nakakatakot magsuot ng tunay na lahas sa kamaynilaan ekkk, mitsa pa ng buhay di ba? Nakawitness na ako ng hinablutan ng kwintas sa jeep…nakakatakot!
puro yata takot sinabi ko he he:P
happy lp!
ang dami ah!
ako rin hindi masyado mahilig sa tunay na alahas, mga aksesorya lang ok na sa akin.
ganda ng lalagyan ng hikaw:)
Di din ako masyadong mahilig sa mga alahas… takot ma-holdap. Haha! Pero mahilig din ako sa accessories tulad mo.
Happy LP!
uyyy! may ganyan din akong lalagyan ng mga hikaw
kamusta naman ang bro kit mo?
eto ang aking lahok:
http://maver.wifespeaks.com/2009/03/lp-47-paboritong-alahas.html
happy lp!