LP: Bago nga kaya? Ating alamin!
October 16, 2008
Sa tuwing kami ng aking asawa ay namimili lalo na ng pagkain, lagi namin sinisiyasat ang takdang petsa (expiration date) nito. Mahirap na baka makabili pa kami ng produktong hindi na dapat ikonsumo.
Bago nga ba?
Hay naalala ko sa isang palabas sa lokal na istasyon sa tv na may modus operandi ang isang distributor, binubura at pinapalitan ng mas bagong petsa ang mga expired canned good upang maibenta muli. Grabe di ba!
Kaya dapat tayo ay mag ingat. Ugaliin natin na basahin ang takdang petsa bago natin ito bilhin at siyasatin na rin ang labels para sa nutritional information nito.
Isa pong paalala na alam ko naman na ugali nyo rin ito hindi ba?
Isang masayang bagong Litratongpinoy na Huwebes sa lahat!
Entry Filed under: Litratong Pinoy. .
29 Comments Add your own
Leave a Comment
Some HTML allowed:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>
Trackback this post | Subscribe to the comments via RSS Feed












1.
Rachel | October 20, 2008 at 10:54 pm
correct ate dapat talaga maging metikoloso lalo na pagdating sa expiration ng mga food. nakakasama lang talaga ng loob yung ibang taong sarili lang nila ang iniisip at nagagawa pa nilang lokohin ang mga mamimili.
off topic:
thanks ate.i’ll send it by wed, i have to give you something (additional item), you’re so nice kasi and I’m so happy to meet you in this blogging world ;p
2.
Reflexes | October 18, 2008 at 7:12 am
parehas tayo…ganyan din kaming mag-asawa sa pamimili. kung babasahin ang petsang yan dito…di pa yan expired dahil November 4, 2009 pa gayun din kung sa atin sa Pilipinas ito as April 11, 2009.
3.
munchkinmommy | October 18, 2008 at 6:45 am
dapat talaga ay sinisiyasat maigi ang expiration date. napapansin ko nga, pagkanakasale ang mga pagkain, parang sinasadyang laging natatakpan ang expiration date.
pasensya na at ngayon lang ako nakadalaw! happy weekend!
4.
caryn | October 17, 2008 at 11:09 am
conscious din ang mga tao sa tokyo sa bagay na iyan. at dahil kelangan fresh lagi ang meat, etc., tuwing pumapatak ang 8:00 ng gabi ay nagbabagsakan ang presyo ng mga ito. hehehe. at syempre, dun ako bumibili. hahaha!
5.
peachkins | October 17, 2008 at 8:30 am
Naku.ganyan din kami dito sa bahay.nakakatakot na makakain ng sirang pagkain..
Nandito po ang sa akin..
Happy LP!
6.
iris | October 16, 2008 at 8:49 pm
naku lalo ngayon dahil dun sa melamine issue.. ako rin sobrang ingat dahil sa baby ko.
7.
G_mirage | October 16, 2008 at 8:01 pm
Naku, ingat ingat tayo, minsan talaga di mo na alam kung ano safe na pagkain, magtatanim na nga lang ako sa balkon namin! hehe. Happy LP!
8.
marites1034 | October 16, 2008 at 4:34 pm
ganyan din ang ginagawa ko para sure:) eto na ang sa akin..
9.
sugarplumfairylyn | October 16, 2008 at 4:30 pm
…dapat talagang mging mausisa sa mga bibilhin natin pagkain..^_^
10.
Arvin | October 16, 2008 at 1:57 pm
Ay oo tinitignan ko pa rin, pero ang una kong tinitignan e yung price tag:P hehe.
11.
maidapaypay | October 16, 2008 at 1:54 pm
naku kalerka talaga ang mga packaging m.o.’s no! one time i caught sm hypermart in the act talaga, kase when i was buying basil nakita ko yung packed date niya the day after pa…watda??!!! hahaha! futuristic ang packaging nila!
12.
Lynn | October 16, 2008 at 1:37 pm
Isa rin ‘yan sa una kong tinitignan kapag nag-gogrocery kami. Mabuti na ang mabusisi kesa masayang ang binibili.
13.
Clicking Away | October 16, 2008 at 12:30 pm
naku, salamat sa paalala… gawain din namin yang magasawa ngunit paminsan-minsan ay nakakaligtaan namin ito kaya may lumulusot. Ingat din sa mga items na sale kasi kadalasan eh ito ay malapit ng mag-expire.
Maligayang huwebes.
14.
Cookie | October 16, 2008 at 11:19 am
totoo yan…ilang beses na kaming nadale ng ganyan. may isang yoghurt drink kaming binibili na ganyan ang nangyari. 2 months pa ang dapat itagal pero nung tikman namin..nakow, kakaiba na ang lasa. ingat na lang
15.
linnor | October 16, 2008 at 10:37 am
palagay ko, makakabuti din na sa isang reputable na tindahan o grocery dapat mamili. mas mahigpit kasi ang mga patakaran nila sa pagdi-display ng mga produkto.
http://linnormarikit.wordpress.com/
http://moonlight-mom.blogspot.com/
16.
carol bustos-santiago | October 16, 2008 at 8:24 am
naku, kami rin ng asawa ko sobrang busisi pag nag-g-grocery. never kami bumili nung mga naka-timpla na na karne or yung mga “shanghai mix” kung tawagin. yung mga ganun ang usually lumang karne na at nais na nilang i-dispatya.
17.
lino | October 16, 2008 at 7:59 am
honga, dapat lagi mag ingat at busisiin ang pinamimili… happy huwebes!!!
18.
betchay | October 16, 2008 at 7:46 am
Napanood ko sa XXX ata yung mga expired goods na pinapalitan lang ng expiration date. Katakot ano? Super mahal na nga ang mga bilihin hindi ka pa sigurado kung bago nga kaya.
19.
ShutterHappyJenn | October 16, 2008 at 7:19 am
Ay katakot nga yang modus operandi na yan… Hay, mga tao talaga!
Ang aking lahok ay naka-post na dito. Sana makadaan ka kung may oras ka. Salamat!
20.
Yen | October 16, 2008 at 7:07 am
Nabalitaan ko nga sa news about foods dyan. Dito naman kasi lahat bago lang ang binibinta…Ganda ng entry mo!
Ito ang aking Bago Nga Kaya na lahok;-) Happy LP!
21.
Pinky | October 16, 2008 at 5:21 am
Ay, napanood ko rin yung unscrupulous na negosyanteng iyon! Yon ba yung nagtitinda ng expired instant noodles from China? Grabe ano! Ipahamak na lahat kumita lang…
Parang alam ko na parusa niya sa ibaba if ever – pakakainin siya ng expired at panis na noodles for all eternity – bwahahaha!
22.
pining | October 16, 2008 at 4:27 am
binubura at pinapalitan ang expiry date? matindi!
ang supermarket naman dito nagba buy one get one free o hina- half price kung malapit nang ma expire.
23.
Admin | October 16, 2008 at 2:23 am
ako din,pag namimili,yan ang agad kong tinitingnan lalo na kung pagkain ng mga bata.
24.
Dr Emer | October 16, 2008 at 1:22 am
Not just the expiration dates. I also check the nutritional info.
But these days, the real concern of consumers is if it’s made in china or not. LOL
Happy LP!
25.
ces | October 16, 2008 at 1:14 am
kung minsan dito naman sa amin, nauuwi sa limot ang mga laman ng fridge, nag-e-expire din! sayang di ba?
26.
thess | October 16, 2008 at 1:03 am
Naku sis, tama ka! Kailangan laging inaalam kung bago nga ang petsa sa etiketa sa mga kinokonsumo natin. Ang asawa ko hindi marunong magsiyasat at sa akin lang natuto.
Happy LP!
27.
Jay | October 16, 2008 at 12:40 am
ako din ganito. di lang sa pag iingat kung di dadamputin ko yung may pinaka mahabang expriation date. misan kasi same product have diff batch kaya yung mas bago yung may pinaka matagal na expriation date
eto aken lahok
magandang araw ka-litratista
Salamat sa pagbisita
28.
Em Dy | October 16, 2008 at 12:18 am
Mali pala ang una kong link. Ha ha. Antok na kasi kaya lang ayaw matulog kasi Litratong Pinoy. Magandang umaga!
29.
Em Dy | October 16, 2008 at 12:16 am
Halos pareho tayo ng lahok. Ako naman tungkol sa pagkaing hinahanda natin kapag may pyesta o okasyon. Minsan kasi sa daming ginagawa nakakalimutang alagaan ang pagkain para tumagal.
Magandang Hwebes!