jump to navigation

LP: Luma na kilig pa rin! October 9, 2008

Posted by jeanny in Litratong Pinoy.
trackback

Oh Jane!

Teka..nagamit ko na ang larawang ito ah :)

Mahilig ba kayo magbasa ng nobela?
Ako oo. Bata pa lang nakahiligan ko na magbasa ng mga maikling kwento at nobela. Isa si Jane Austen sa hinahangaan kong manunulat. Siya ay isinilang noong Disyembre 16, 1775. Isa sa mga nabasa kong Classic novel nya ay ang Persuasion na isinulat noong 1817. Ito ay isa sa dalawang huling naisulat nya. Bagamat may kalumaan ang kwento at lubhang malalalim ang mga salitang engles na ginamit….naibigan ko pa rin ito at tinayaga na tapusin ang pagbabasa nito. Ito ay kwentong pag-ibig na bagamat may kalumaan, alam ko na makakarelate ang sinumang inlove :)

Hay…talagang patunay….gaano man kaluma ang kwentong pag ibig, ito’y nakakakilig pa rin….subukan nyong itanong ang kwentong pag-ibig ng mga lola at lolo nyo o kaya ng inyong magulang…sigurado yan…hindi nyo mapipigilan ang mag sabi ng “uy sweet”.

Ito po ang aking lahok para sa linggong ito sa Litratong Pinoy na may temang Luma na!

Isang Magandang Bagong Huwebes sa lahat!

Comments»

1. karmi - October 9, 2008

gusto ko po yang Pride & Prejudice. ung Persuasion eh nafeature ata sa pelikulang The Lake House kung di ako nagkakamali. :)

totoo nga pong kahit luma na ang mga librong yan ay nakakarelate pa rin ang mga nakakabasa nito, kahit anong age group. :)

2. Arvin - October 9, 2008

Maluma man ang libro at ang mga papel na pinagsusulatan ay hinding-hindi naman kukupas ang mga kwento:)

Yun nga lang hindi ako palaasa e… hehe.

3. Pinky - October 9, 2008

Huwag na yung kuwentong pag-ibig nila lolo at lola… yung sa iyo na lang para mas kilig - yihee!!! Share naman, kapatid! ;)

Happy LP sa iyo at salamat sa pagdalaw.:)

4. ces - October 9, 2008

alam mo dko pa nabasa ang mga ito, pero hawak ko na noong sabado lang! isip ko bibilin ko nlang ang compilation of 7 ni jane austen mas mura pa ata:)

5. Jay - October 9, 2008

naku sayang di ako mahilig mag basa ng (pocket)books, magazines lang me para maraming litrato

eto aken lahok

magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)j

6. thess - October 9, 2008

Ay isang manunulat na lagi kong nakakalimutang hanapin sa bookstors ang libro. Naging interesado ako sa kanya dahil nabisita ko ang lugar ng kanyang kapanganakan.

Magandang Huwebes :)

7. peachkins - October 9, 2008

Naku,di ko pa nababasa ang mga ito..

8. myminiheart - October 9, 2008

sayang nde ko pa nababasa ang mg librong ito.. pero tooto nakakilig talaga ang mga kwento ng pag-ibig lalo n kung masaya ang wakas.

9. linnor - October 9, 2008

ilang beses ko nang in-attempt pero di ko pa rin natapos basahin ang dalawang libro na yan. :D

10. toni - October 9, 2008

Korek! Ano ba tagalog ng “classics”? Klasik? Hehehe.

11. maidapaypay - October 9, 2008

mahilig ako sa romance novels, but for the life of me, hindi ko kaya i finish ang mga jane austen novels! hee hee

12. Eloise - October 9, 2008

ayun!!! tamang -tama at nag-iisip ako kung anong libro ang pwede kong bilhen this weekend…

interesado ako dun sa “persuasion”

13. Yen - October 9, 2008

Tumpak na tumpak ang entry mo! Ako din mahilig din magbasa pero sa dami ng gawain sa bahay ay nakakalimutan ko na..Nice book!

14. Clicking Away - October 9, 2008

Ang itnidi naman ng mga binabasa mo! Hindi ko ata kaya iyan lalo’t-lalo na at malalim ang inggles. Sandali, kung may mga litrato ang librong iyan baka sakali… hehehe!

15. theparks - October 9, 2008

gaya ni linnor… hindi ko pa rin natatapos ang mga libro na ‘yan… susubukan ko uli sa bakasyon

eto naman ang aking lahok

16. Moonlight Mom - October 9, 2008

sa talent ng mga lumang manunulat, mai-imagine mo rin ang mga eksena ni inilalarawan sa kwento… parang nandun ka na rin. :)

17. Girlie - October 9, 2008

parati kong iniiwasan ang mga books na “old english” ang gamit…nahihirapan akong intindihin, kadalasan, inuulit ulit ko pang basahin

18. pining - October 9, 2008

ay halos pareho tayo ng entry, kaya lang ang sa akin ay ang Jane Eyre (ang aking peborit) ni Charlotte Bronte :-)
luma but very classic!

19. Lynn - October 9, 2008

Mahilig din ako sa mga klasikong babasahin. Mukhang alagang-alaga mo ang iyong mga libro. :)

20. Em Dy - October 9, 2008

Mahilig ka pala kay Jane Austen. Dapat sumali ka sa book club ni witsandnuts! Magandang Hwebes!

21. Meeya - October 9, 2008

kaya nga sila tinawag na classics eh, kasi kaya nilang i-withstand ang test of time. :) great entry jeanny! :D

Lumang Barko sa MyMemes
Lumang Pantawag sa MyParty

22. G_mirage - October 10, 2008

Matagal na din ako di nakabasa , wala na oras kasi :( pero shempre di ko malilimot ang magagaling na akda di lamang mga banyagang manunulat maging mga pinoy din, minsan ko kasing pinangarap na lakaran ang landas nila! (lalim, nahulog ako!)

Happy LP!

23. julie - October 10, 2008

naku, kakakilig nga ang mga iyan :D

24. pao - October 10, 2008

aaay, type na type ko din ang classic literature. :) happy LP!

25. iris - October 11, 2008

di ko pa siya nababasa. kasi wala ako mashadong hilig sa mga romantic novels. pero yung persuation naalala ko lang dahil nandun siya sa movie na The Lake House :)

26. witsandnuts - October 12, 2008

Nothing beats the classics!