LP: Pilak ko ay orasan September 11, 2008
Posted by jeanny in Treats.trackback
Ang aking orasan….
O kay bilis ng oras…akalain, Setyembre na.
Sa sobrang bilis hindi ko mahabol
Marami gustong gawin ngunit dahil kulang sa oras,
hanggang ngayong wala pa rin!
Dali!!!dali..dalian mo na!
Huwag hayan oras ay mawala
Huwag maging makupad, huwag babagal bagal
Magsipag at kumilos upang may mapala
Akalain nga naman, Setyembre na
taong dalawang libo at walo na
Maraming panahon, na rin ang nawala.
kaya simula bukas, oo bukas na
Simulan ng gawin ang mga dapat tapusin
At maisakatuparan ang mga mithiin!
Hay….akalain Setyembre na!
———————
Ito ang aking lahok para sa linggong ito sa Litaraton Pinoy. isang magandang araw po ng huwebes!











Magandang Hwebes. Ang bilis nga ng panahon. Ilang tulog na lang, Pasko na, Pasko na. Napapakanta tuloy ako.
AKo yata laging ganyan, oo, bukas, talagang talaga, gagawin ko na yung dapat kong gagawin. Ayun, kabubukas, hindi nauubos ang bukas
Maligayang araw ng Huwebes.
kay bilis nga ng panahon…tik tak tik tak
ako po ang taong di gumagamit ng relo sa kamay…ewan ko ba kung bakit. malamang ay di ko lang hilig talaga. naku ‘BER’ na nga. lapit na naman ang Pasko.
Hindi din ako gumagamit ng relo sa kamay. Ayoko yatang makontrol ng oras. Pero, ang ganda ng kombinasyon ng asul at pilak na kulay sa larawan mo!
Happy LP!
Mahalaga ang oras!!!!!! Hindi lang pilak… may kasabihan na Time is GOLD!! so there u go… Silver na Gold pa!!!! ha ha ha
Eto ang sa akin http://aussietalks.com
napansin ko din yung kulay, gandang combination nga
Naku, paano ba yan e crammer ako, hehehe.
Ganda naman ng mensahe mo, kapatid… mabuhay ka!
Eto naman ang aking lahok:
http://chinois972.wordpress.com/2008/09/11/lp-24-pilak/
ang saya malapit na ang Pasko!
ambilis nga naman ng panahon no?
uyy, parehas tayo ng lahok!
silver din ang kulay ng aking orasan. hee hee.
Pilak Bag
Pilak ng Prinsesa
bilis talaga ng oras!! Malapit na ang Pasko!!!
may kahawig akong ganyan…
ganda talaga ng blue ang silver combo…
ang bilis talaga ng oras! ilang araw na lang pasko na! Merry Christmas!
bdw, here’s mine:
http://www.buhaymisis.com/2008/09/lp-pilak-silver.html
http://whenmomspeaks.com/2008/09/lp-pilak-silver/
http://www.walkonred.com/2008/09/lp-pilak-silver.html
talagang napaka-bilis ng oras!
magandang araw sa’yo!
http://beybi-gurl.blogspot.com/2008/09/lp-24-pilak-silver.html
jeanny, and galing mo! makatang-makata!