jump to navigation

LP: Tanso ko’y barya… September 4, 2008

Posted by jeanny in Treats.
trackback

Sinukli yan sa akin ng babae sa isang mall….nasabi ko tuloy badtrip ang dami nito. Aanuhin ko naman ang mga ito para na lang silang mamera, hahaha.

Pero pero naisip ko, baket pera rin naman ang mga singko at dyes sentimos na ito. Kaya kanina rin sa grocery ako’y nagbayad ng sakto….ang bill ko 532.15, inabot ko sa kahera ang 530 na perang papel at ang dalawang piso at kinse sentimos at puro dyes at singko.

Abah!!!!ang kahera sumimangot. Tsk…ang sungit.
Nginitian ko na lang sya at bago lumabas ng grocery , nag punta ko sa customer service at sabi ko dun sa babaeng nandun…

miss yung kahera nyo sa line 5 nakasimagot di ba dapat laging nakangiti…hahaha!!!!

Narinig yata ako ng lady guard kaya pag labas ko siya’y nakangiti na nag sabing….

thank you ma’am

Ayos di ba!!!! :)

Tara tayo ay magpulot ng mga tanso sa Litaratongpinoy ito kasi ang tema ngayong Huwebes

Nakangiting araw sa lahat!

Comments»

1. Em Dy - September 4, 2008

Korek ka dyan. Pag pinagsamasama, perang malaki din. Siguro sabi nung cashier, eksakto, walang sobra. Tsk tsk. Di ba kapag mamili ka ngayon, pag 99.95 ang binili mo at nagbigay ka ng isang daan, kadalasan wala ng sukli sukli pa. Ang dami siguro nilang naiipon sa ganon. Magandang Hwebes!

2. cheryll - September 4, 2008

Ako naman naiinis ako pag hinahapan ako ng barya parang gusto ko sabihin dapat kayo ang madaming barya.. pag di ko bibigyan puros barya ang sukli kaya yung bag ko mabigat dahil sa barya…

This is a good post jeanny. Keep em coming. Lol!

Anyways, I have a tag for you at http://ybabie.blogspot.com/2008/09/what-makes-me-happy-what-makes-me-sad.html

3. kg - September 4, 2008

Bakit ganun, pag malls ang nagsukli ng barya ok na ok….pero pag ikaw na ang nagbayad, parang ayaw tanggapin. :)

Ako basta pera go! Hirap nga lang pag puro barya kasi ang hirap isara ng wallet. he! he!

4. julie - September 4, 2008

Kasi wala na siyang extra dun sa binayad mo dahil sakto. Kanila na yata ang mga extrang sumobra sa laman ng kaha kaya ganun :D Yan ang kwento sa akin.

Maliit man, kapag pinagsama-sama, malaking halaga din. Sabi nga ng nanay ko, kung walang sentimo, walang piso.

Magandang Huwebes :)

5. blue rose - September 4, 2008

hahaha. korek ka jan jeanny! tama lang na sinumbong mo sa customer service yong kahera at ng magtanda. minsan kasi nakakainis talaga yong iba jan. kapag sila nagsusukli ng maraming barya ok lang tapos kapag sila binigyan mo ng barya sumusimangot.

6. Thess - September 4, 2008

Pareho ng na experienced ko sa Pilipinas, kapag ikaw magbibigay na bayad na gamit ay ganyang sentimo, ayaw nila tanggapin, hello!!

ayan lumaki tuloy butas ng ilong ko kasi nalala ko nasayang na sentimo sa bulsa ko, eh ang mamahal pa naman ng bilihin sa Pilipinas, juice koh!

Happy LP :)

7. ces - September 4, 2008

minsan nga maski dito nakakahiyan ko na rin ibayad ang barya kaya inihuhulog ko nalang k mr.skyflakes..ang piggybank namin:)

8. ettey - September 4, 2008

ahahaha!! dapat talaga sa mga masusungit na kahera nirereport para magtanda! gandang araw ^_~

9. lino - September 4, 2008

uy, pareho tayo… :) maligayang araw ng huwebes… :)

10. Girlie - September 4, 2008

pag ako inis http://hipncoolmomma.com/?p=2063sa tindera, aba mamatay sya sa kakabilang ng mamera

11. JoyD - September 4, 2008

H a ha ha,, nakakatuwa naman ang kwento mo ……!!!! pasalamat nga dapat sa kahera ang dami mong tanso….

12. Jay - September 4, 2008

di ko talaga naisip yung barya :(
ang ganda ng storya ninyo :)

Masayang LP Huwebes sa inyo.
eto po ang aking lahok.

13. Pinky - September 4, 2008

Hi Jeanny! Tanso man yan at magaling, pera pa rin! O di ba?

Happy LP, kapatid!

14. lidie - September 5, 2008

yan din ang una kong ideya! haha!

15. Munchkin Mommy - September 7, 2008

bakit naman siya sumimangot? dapat nga natuwa pa siya at eksakto ang bayad! diba sa mga fastfood nagpapasalamat pa pag exact amount ang bayad? buti nga sinumbong mo! hahaha! :D

16. Rachel - September 7, 2008

hi ate jeanny im sorry ah di ako masyado nakakabisita dito sa site mo, medyo naging busy kasi ako sa work ko at doon sa ioopen kong online store ko, babawi na lang me ah. anyway nakuh marami talagang masungit na saleslady at kahera, nakakabuwisit kapag ganon ako talaga sinasabihan ko sila na wag silang mataray at sumimangot kasi mawawalan sila ng customer.

17. ELIment - November 25, 2008

hi..nice..pano ba sumali sa litratong pinoy? tnx po

hello rin. Kindly visit http://litratongpinoy.com for info :)