jump to navigation

LP: Mithi August 21, 2008

Posted by jeanny in Litratong Pinoy.
trackback

…..at sa iyong paglisan, ang tanging pabaon ko ay pag-ibig…

Oo isa sa aking matalik na kaibigan sa opisina ay lalabas ng bansa upang maghanap buhay. Noong nalaman ko ang balita, nalungkot ako, umiyak ngunit hindi ko ipinaalam sa kanya. Ayaw ko din naman syang malungkot.

Ngayong araw na ito, totohanan na, nag bigay na sya ng sulat ng pamamaalam sa aming boss. Noong una, akala ko ako’y okay na. Akala ko’y naiyak ko na lahat, ngunit mali pala. Paglabas namin ng opisina, dala dala na nya mga kagamitan nya. Isang patotoo na malapit na kamin hindi magkita. Naramdaman ko ang lungkot at ng oras na para kami ay tumungo sa kanya kanyang sakayan pauwi, doon ko naramdaman ang higit na kalungktan at sa pag sakay ko ng dyipni, doon unti unting ako napaluha. Hay naiwan ko pa naman ang aking panyo.

Dali ko syang tinext at sinabi ang totoo kong saloobin sa kanyang pag alis.

Hay mare akala ko hindi na ako iiyak, naiyak pa rin ako. Hay bruha ka talaga, Pero happy ako para sa iyo. Hiling kong maging matagumpay ka. Mamimiss kita sobra

Iyon ang aking mithi, ang aking hiling para sa kanya. Maaring ako ay nalulungkot ngayon ngunit alam ko sandali lang naman na sya ay mawawala. Magkikita pa rin kami.

Sa pamamagitan ng tema sa linggong ito ng Litratongpinoy, aking naibahagi ang aking saloobin. Kaya maraming salamat po. :)

Maligayang Huwebes mga katoto!

————————————————

Would you in English

One of my dear friend & officemate will be working abroad. When I heard about the news, it made me sad and shed tears. I did not tell her about it because I do not want her to get too emotional.

Earlier at work, she submitted her resignation letter to our boss. I thought I was okay, I thought I cried enough already but I was wrong…..when it was time for us to go home, she packed all her things; I then realized that it is for real. I’ll be losing my very close friend. A few minutes more, when it was the time to part ways, I suddenly felt total sadness. I cried while I was inside the jeep and to make things worst I forgot my handkerchief. Bummer!

I decided to send a text message to tell her what I really feel

Friend, all I thought I won’t cry anymore but I am crying right now. You’re such a wicked being. But I am happy for you. I wish you all the luck adn I’ll miss you.

That is my wish for my dear friend. I might be sad but I knew she will be back very very soon.

This week’s theme at LitratongPinoy, gave me a chance to shared my emotions and I thank you for that.

Happy Thursday to all!

Comments»

1. alpha - August 21, 2008

ang lungkot naman ng entry mo..

ni-tag kita ulit :D

http://alphadf.com/2008/08/21/happy-sad/

sensya na if malungkot. Nde ko mapigilan kasi. Salamat s Tag. As usual gawin ko sa weekend :)

2. Jay - August 21, 2008

kaibingang tunay magpakaylanman, walang iwanan, kahit milya ang layo, magkatabi parin sa puso’t isipan, sa dalangin at mithi :)

3. Meeya - August 22, 2008

tama si jay, despite the distance hindi naman mawawala ang inyong friendship. mas tatatag pa nga kung pagyayamanin niyo. :)

good luck sa kanya sa kanyang pakikipagsapalaran sa napakalaking mundo. :)

Mithing Paghimbing sa MyMemes
Mithing Pagpanalo sa MyFinds

4. SOMETHING PURPLE - August 22, 2008

alam ko ang feeling na ganyan, ako din nalayo sa bestfriend ko nasa canada siya ako andito at sa iba ko pang kaibigan hay buhay nga naman.

Stripe&Yellow
Living the Healthy Life
Vanity Kit
Something Purple
Em’s Detour

5. ettey - August 22, 2008

ang isa sa matalik kong kaibigan ay nangibang bansa din para sa magandang kinabukasan, malungkot pero marami namang paraan para sa kumustahan… nakakamiss talaga pero syempre ganyan talaga eh!

6. maan - August 22, 2008

awww. thank goodness for the world wide web! kahit malayo, parang malapit pa rin…

happy LP and happy weekend!

http://mysilverchair.blogspot.com

7. sardonicnell - August 22, 2008

you are such a good friend. God bless you both!

8. Litzie - August 22, 2008

Napakaganda ng iyong mithi dahil hindi ito para sa iyo kungdi para sa ibang tao, hindi makasarili kung baga.

Good luck sa iyong kaibigan.

9. Nona - August 22, 2008

sabihin mo sa kanya mag-blog na rin para lagi kayong bonding kahit sa blogging. ganyan kasi ginawa namin ng friend ko.Ang mithi mo naman ay para sa ikabubuti niya, kaya I’m sure happy na rin siya.

10. Sreisaat - August 22, 2008

Cheer up! Di ba pag ang isang taong umaalis ay bumabalik? So wag ka nang malungkot - nariyan naman ang blog at ang SMS para makapag-chikahan pa rin kayo.

11. G_mirage - August 22, 2008

Friendships know no boundaries….Masasabi ko yan tungkol sa ilan sa aking mga kaibigan na hindi nakkalimot kahit malayo na ako….patuloy ang pagkakaibigan kahit nasaan man!

12. Arvin - August 22, 2008

Nakakalungkot nga, paano na ang masasayang kulitan? Oo nga, tama si Nona, magblog siya, hehehe:) Para updated pa rin:D O kaya Twitter o Plurk! basta keep in touch:D

13. celiaK - August 23, 2008

She must be a good person to be loved by you. Hope she finds success in her new job.

14. ibyang - August 25, 2008

ang sweet mo namang friend :)
pero totoo yan, kapag may kaibigan kang aalis, gusto mo ay maging masaya at successful sya kung saan man sya pumunta.

by the way jeanny, i’ve now linked you up :)
thanks for the visit.