LP: Liwaliw

Ang aking asawa at mga in-laws ay mahilig mag out of town. Kaya noong nakaraan Disyembre makatapos ang Pasko nagpasya kami na pumunta ng Subic. Kaya binagtas namin ang norte para makarating doon. First time ko po kaya excited ako.

Dito kami nag tungo:

Zoobic Safari

Ang ganda doon. Marami akong na encounter mga hayop na doon ko lang nakita. Great experience para sa akin ito :)
Naibigan ko rin ang aeta’s trail. Sobrang naaliw ako sa kanila. Huhusay nila sumayaw ng animal dance, ginaya nila ang galaw ng unggoy pati na rin ng paru paro.
Sa lahat ng adventures sa Zoobic, ang safari ang pinkahihintay ng lahat. Dito ko sya nakilala

Si Ginoong Tigre…. yaiks

Kahit na kami ay nasa isang jipney na may rehas at masasabing secured, eh natakot pa rin ako dahil ang laki laki nya at hindi pa nakontento, sumakay pa sya sa ibabaw ng sasakyan namin…kaya ako’y parang isang pusang yumakap sa asawa ko…meowwww…

Isang masayang pasyal yun para sa buong pamilya. Kaya nais ko pa rin bumalik.

Nga pala noon kamiy pauwi na nakita ko ang mga cute na ito…

Mga munting unggoy na nagkalat sa daan, ang cute nila…

Eto ang aking bahagi sa tema nagyon lingo sa Litratongpinoy na Liwaliw.

Tara na, tayo’y mamasyal.
Maligayang huwebes po

Categories: Treats | Tags: | 33 Comments

Post navigation

33 thoughts on “LP: Liwaliw

  1. dapat na mapuntahan namin ito pag uwi namin.

  2. Last May nakarating din kami dyan sa Zoobic, grabe ang expirience ano muntik na akong maihi sa salawal ko sa takot sa mga tigreng yan hehe, check mo post ko tungkol sa Subic: http://luminosity.kadyo.com/?p=65

  3. thanks jeanny sa comment on my lp.. gusto ko din magpunta sa zoobic.

  4. parang ang sarap magpunta ng zoo. ang last kong napuntahan ay mini-zoo lang ng rainforest park :)

    happy LP!

  5. alam mo jeanny nag enjoy din si ethan dito nung nagpunta kami =)
    maligayang LP!

  6. isa yan sa mga nakaplano namin puntahan nun huling uwi namin… kaya lang nagahol kami sa oras.

    Ito ang aking lahok — http://www.joarduo.com/2008/08/litratong-pinoy-liwaliw.html

  7. hi jeanny, dumaan ba kayo sa bagong subic-clark highway? mas mabilis daw?

    anyway, for sure dadalhin ko si ninna diyan pag umuwi kami. mag-eenjoy yun makakita ng mga hayop :)

    LP Liwaliw sa MyMemes
    LP Liwaliw sa MyFinds

  8. hi jeanny! lam mo dati nung may US base pa sa subic, lagi kami nandyan pag summer. ang saya-saya namin! tapos nawala ang base, unti-unti ng naluma ang mga housing. buti na lang ginagawan pa rin nila ng paraan ma-maintain ang lugar.

    happy LP!

  9. Mahilig din kaming magpunta sa safari. In fact ang dami ko ngang litrato eh! Anyway mukhang nakakulong ata ang tigre dito hindi unless sa Zoo. Salamat sa pagdalaw.

  10. Ayyy, ang aking mga kamag anak (3rd pic) nagliliwaliw din! Lol!

    Parang ngang masarap sa zoobic na yan ha, sana magka chance kami :) Happy LP sister ;)

  11. Di pa ako nakakarating diyan, pero nung dumaan kami sa somewhere subic e meron ding mga unggoy sa kalye, hehehe:D

  12. naku paborito yan ng mga anak ko

  13. natatakot ako para sa mga unggoy na nasa daan! baka masagasaan! parang ang saya jan sa zoobic! :D

    happy huwebes!

    Munchkin Mommy: Liwaliw sa Palisades Park
    Mapped Memories: Liwaliw sa Mustangs at Las Colinas

  14. di apko ako nagagawi dyan… happy huwebes… :)

  15. type ko ring magliwaliw dyan pag nauwi ako ng pinas ;)

  16. sya.. nagenjoy din ako nung huli ako ngpunta subic…sana sunod kasama ko na baby ko.. silipin mo litarato niya sa lahok ko..

  17. maganda jan! nakapunta na ako December din yun, kahit nilalagnat go pa din ahehe!! meron kami pictures with the tiger nakakandong sa lap namin katakot!! pero it was fun! ^_^

  18. alam mo, ang tagal tagal na naming mag-asawang binabalak ipasyal jan ang mga bata!!! hehehe:)

    happy LP sayo!

  19. yan ang hinde namin napuntahan nung umuwi kami sa pinas this year. sayang! :(

    anyway, happy huwebes sa iyo!

  20. Maganda nga ang Zoobic Safari. Ako’y labis ring natuwa noong ako’y pumunta doon, lalo na yung pagkakataong makahawak ng mga batang tigre.

  21. Hindi pa kami nakapasok sa Zoobic kahit palagi kami dumadaan diyan sa SBMA pauwi na mga magulang ko :)

    Magandang Huwebes sa iyo :)

  22. Gusto ko ring bumisita dyan at magliwaliw balang araw. Kailan pa kaya? Bisita ka rin sakin…salamat..

  23. Nakakatuwa naman ano. Dami na palang mga mapupuntahang mga ganyan dyan sa Pilipinas ngayon. Bago ba yan?

  24. Wow, ang ganda naman. Di pa ako nakakapunta diyan, sana makapag liwaliw din ako sa lugar na yan.

    Ang litrato ko ngayong linggo ay kuha noong nakaraang LP eb. Daan ka DITO kung gusto mo masilip. Maraming salamat. Hapi Huwebes!

  25. sana ay ligtas ang mga unggoy pag nasa gilid ng kalsada…

    cute talaga ng pangalan ng zoo nila.

  26. Hi! Taga Subic ako. sana mapasyal kayo ulit at ng mag EB naman tayo.

    Eto ang aking lahok
    http://sahm-one.com/2008/08/14/litratong-pinoy-liwaliw/

  27. Ang kulit nung mga unggoy, nakakalat lang hehe. Sana makaliwaliw din kami jan….happy LP!

  28. Junnie

    kung ok lang, magliwaliw ka sa akin dito: http://pic.blogspot.com/2008/08/aliw-liwaliw.html

  29. Junnie

    ayoko diyan, at baka yakap yakapin ako ng leon…at di ko naman siya kilala…mahirap na….

  30. sana malapit lang ang subic sa maynila para mabilis sya puntahan…

  31. Never been there. Hope to be there in one of our vacations. =) Btw, I tagged you here: http://witsandnuts.com/2008/08/13/being-a-1930s-wife-material/

    =)

  32. interesting nga itong Zoobic sa Subic.:D sobrang enjoy din kami nong nagliwaliw kami don.

  33. Maligaya din ako kapag namamasyal sa zoo. Ang galing ng shot ng tigre.

    Happy LP!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com. Theme: Adventure Journal by Contexture International.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.