LP: Dalampasigan July 31, 2008
Posted by jeanny in Treats.trackback
Ano kaya tinatanaw nya, meron ba? O baka naman nag iisip sya. Sino naman kaya?
Makatapos kong kuhaan ng larawan ang senaryong ito, palihim kong sinulyapan an ginoo na nakaupo sa puting buhanginan….Bakas sa kanya ang lumbay. Bakit kaya?
Baka may nakagalit o dili kaya’y may naiwan sa Maynila. Hehehe
Naalala ko ang byaheng ito. 2006 buwan ng Marso. Unang beses kong mahiwalay sa aking asawa ng ganun katagal. Ekslusibong out of town trip kasi ito ng mga empleyado ng aming opisina. Kaya hindi sya kasama. Nalungkot ako noon bagamat ang lugar na ito ay sa Pilipinas lamang pero 3 araw lang naman!!!!!… isa pa libre ang byaheng ito, hehehe kaso kahit may kalungkutan taglay ako noong umalis may naiuwi naman akong saya sa aking experience sa pagpunta sa napakagandang isla na ito.
Magandang araw ng LP sa lahat. Tara bisitahin natin ang iba











napakaganda talaga ng isla na iyan. ewan ko sa mamang yan bakit itsurang hindi enjoy (haha ayon lang sa description mo) ^_^
Wag ka lang mapunta sa isang senti moment, ok na rin. Kasi sa kung bigla mo na lang natanaw ang sunset, o di kaya’y ang bugso ng malakas na hangin ay yumakap sa iyo, haaay, sana kasama ko siya ngayon. Mas masaya sana.
Kaya lang, di talaga maiiwasan e:D
Minsan kahit walang iniisip, masarap din tumunganga sa dagat…at least ako ganyan madalas
HAPPY LP!
Alam mo, dahil siguro sa trabaho, ako na lang siguro ang Pilipino na hindi pa nakakatuntong ng Boracay. Hehehe. Ang galing ng kuha mo!
iniisip nya siguro kung lalangoy sha i hindi!nge! pero mukhang malalim nga ang nasa isip ng mama!
minsan ganyan din ako kasi masarap magmuni-muni sa dalampasigan.
ibyang
http://awifescharmedlife.blogspot.com/2008/07/lp-dalampasigan.html
ako na lang talaga ang di pa nakakatungtong sa isla na iyan.
nge, pareho pala kami ng sinabi ni dr. emer.
dalawa pa pala kami
Minsan kasi pag nakatingin ka sa dagat, di talaga maiwasan makapag muni-muni.
Naka-post na rin ang aking LP DITO.
Magandang Huwebes!
ShutterHappyJenn’s last blog post..Dalampasigan (Beach Shore)
hay boracay! ang ganda-ganda…
masarap magmuni-muni sa dalampasigan!
magandang huwebes sa’yo!
Bakit nga kaya siya ay nagmumuni-muni?
nice angle… happy huwebes…
baka nalolongkot lang at walang makaosap….hehe.
ganda ng view!
pakisilip naman ang souvenirs ng dalampasigan namin….
http://fairywinkle.blogspot.com/2008/07/litratong-pinoy15dalampasigan.html
baka nalungkot siya dahil wala na siyang mahuling talangka sa dalampasigan
Dr. Emer, di ka nagiisa, di pa rin ako nakakapunta ng Boracay!
Jeanny, siguro naalala mo si Mister nung kinan mo yan.
Magandang Hwebes!
alam ko kung ano ang nasa isip nya, Jean. Bakit daw blue ang langit. hehehee
mine is up too: http://sunshine-photoblog.blogspot.com/2008/07/litratong-pinoy-dalampasigan.html
sna makabisita kayo. magandang huwebes!
I’m not sure what you wrote but the picture is glorious! btw, I’ve tagged you for a meme at my place
ang ganda! namiss ko ang summer!
eto naman ang akin:
http://whenmomspeaks.com/2008/07/lp-dalampasigan/
http://www.walkonred.com/2008/07/lp-dalampasigan.html
http://www.kathycot.com/2008/07/lp-dalampasigan.html
http://www.buhaymisis.com/2008/07/lp-dalampasigan.html
Malayo ang tingin? Wala namang tinatanaw…
Waa, naalala ko lang yung advert sa Sweepstakes…
Wala pa ring tatalo sa ganda ng Boracay, pramis
gusto ko mag-beach!
naku ilang weeks na ko walang lp.. habol ako tonight
May kuha rin ako from that exact vantage point, pero walang tao. Maaga pa kasi yon, mga 7 am. Tulog pa ang mga Bora party people.
iniisip niya siguro, ang mahal ng pamasahe niya papuntang boracay, hehe. baka lumangoy na lang daw siya pabalik ng maynila.
hi jen! *muah*
LP Dalampasigan sa MyMemes
LP Dalampasigan sa MyFinds
Ako kaya, kelan ko mararating ang Boracay?
mukhang malalim nga ang kanyang iniisip.. maligayang araw!
http://biancaelyse-mylife.blogspot.com/2008/07/lp-18-dalampasigan.html
ako rin, kelan kaya???
ako din, parang ayaw kong magbakasyon ng di ko kasama asawa ko. baka naman yung lalaki ay namimiss din ang swithart nya
gandang huwebes a iyo!
malayo ang tingin…ano kaya ang tinatanaw?
Thank you for the translation, it’s a beautiful picture and now I’m wondering what that man is thinking about too! Very nice and thanks again!
Masayang balik-balikan ang Boracay. Been there thrice (the first two were work-related). Btw, thanks for joining the book club. =)
nag soul searching si kuya! hahahaha!
happy weekend sis!
iniisip kaya niya ang kanyang minamahal? nakakapagpasenti talaga ang dalampasigan!
Napapaisip ka talaga kapag ganyan kaganda ang tanawin mo. Ang sabi nga ni Toni, “nakakapagpasenti talaga ang dalampasigan!” Totoo!
Siguro kaya malungkot ang lalaki sa litrato kasi nalimutan nyang magdala ng sunblock, eh katatapos lang nya ng skin enhancement treatment kay Dr. Calayan hehehe.