LP: Sa Gawing Kanluran July 23, 2008
Posted by jeanny in Litratong Pinoy.trackback
Ito po ay sa kuha sa governor’s island, isa sa mga isla na dinarayo ng mga turista sa hundred Island National Park, Pangasinan. Ang lalawigan ng Pangasinan ay matatagpuan sa gitnang kanluran ng Luzon.
Unang beses ko pa lang nakarating sa Hundred island. Ako ay napamangha sa ganda nito. Binilang ko nga ang mga isla pero nalito ako kaya hindi ako nagtagumpay pero sabi nga ng mga bangkero isang daan mahigit ang mga isla doon. Ayon dito 124 daw ang mga isla pag mababa ang agos ng tubig (low tide) at 123 pag mataas naman ang agos (high tide). Tatlo sa mga islang ito and pinagbuti at naging kilala. Ito ay ang Governor Island, Quezon Island, at Children’s Island.
Sa Governor Island kami nag lagi noon at nag swimming. Napaka halaga ng lugar na iyo sa akin dahil sa limang taon na matiyagang pagtuturo ng aking asawa sa paglangoy, dun lamang ako nagkaroon ng lakas ng loob na matuto. Kaya hayan sa larawan, walang sawa akong naglangoy langoy, kita nyo ba ako
. Ang aking asawa ang kumuha ng larawan na iyon na para bang nais nyang sabihing very proud sya akin. Pero sa totoo, 4 na talampakan lang yan
Ano kaya ang lahok ng iba, samahan nyo at libutin ang buong kapuluan at alamin sa Litratong Pinoy ang kanilang lahok para sa linggong ito na may temang Sa Gawing Kanluran.











ABa, baka kelangan pumunta din ako diyan para matuto din akong lumangoy
Katabi yan ng aming probinsiya, Zambales
Happy Thursday sa iyo!
uy congrats! nakaka-kaba talaga ang unang paglusong!
magandang huwebes sa’yo!
Wow ganda… di ko pa nakita ang Hundred Islands. Yung litrato ko sa Pangasinan din kinunan, sa Bolinao naman.
Ang aking LP ay nakapost sa blog na ito:
Shutter Happenings
Kung may oras ka, sana makadaan ka! Salamat!
ikaw ba yang nalangoy? di pa ko nagagawi dyan…
happy huwbes…..:)
Ah…maganda nga dyan. Matagal tagal na rin nung huli kong bisitahin ang hundred island. Ang sarap magbabad sa tubig. Pero nangitim talaga ako noon. Di pa uso sun block kasi. Siguro nasa high school ako noon.
btw, I tagged you.
Sasama na ako kay Julie pagpunta nya dyan. Marami nga akong kamag-anak sa Pangasinan (mga Ilokano) pero di pa ako nakabisita. Lagi ko lang nadadaanan papuntang Baguio
Cookie
http://scroochchronicles.com/
Hi Ate Jennie! Thanks for visiting my site ah. anyway i love the photo siguro lalo na kung personal akong makakapunta dyan. super relaxing noh at naaappreciate mo talaga ang ganda ng Pinas.
Link kita ah.
hindi pa ako nakapunta dito. sana mapuntahan ko rin.. maligayang huwebes!
http://biancaelyse-mylife.blogspot.com/2008/07/lp-17-sa-gawing-kanluran.html
Nagpunta kami dati sa may Pangasinan pero sa may bandang kapitolyo nga lang (Lingayen ba yun?) at dun kami nagswimming. Ganda sana mag-island hopping diyan ano? Hehehe.
wow hundred islands. alamo bang di pa ko nakakapunta diyan? haha ang loser.
pero someday, promise ko sa sarili ko yan.
Uy Jeanny, congrats at natuto kang lumangoy. Ganun lang talaga, lakasan ng loob di ba?
kelan ko kaya madadalaw Pangasinan
aw! inggit ako… tagal na ng huli kaming nagpunta ng hundred islands… mahigit na 25 years! LOL
Ang linaw ng tubig! Nakaka-ayang mag-swimming.
parang di sya malalim tingnan. bagay sa gaya ko na di marunong lumangoy. hehehe….
ang linis pa din, sana makarating din ako dzan…happy LP!
Sana makarating din ako dyan, ang ganda ng tubig masarap maligo lalo’t maganda ang panahon, bisitahin mo rin ako here http://sweetienormz.blogspot.com
ang ganda naman dyan.di pa ko nakapunta sa hundred island. madami ka bang nakuhang bangus heheh!
i’ve never been there, i passed up the chance before because i had to go with my friend and her boyfriend. ayoko ma-OP pero i regretted it. ala na pala second chance.
congratulations on swimming ha, di halatang 4 na talampakan lang.
ang ganda, jeanny. nakaka relax tingnan
One proud Papa pala ang drama ng iyong hubby sa shot na yan
Ganda pala sa Hundred Islands ano?
nakaka-miss ang mga beaches sa pilipinas! may sampung taon na ang huli kong punta sa isa huhuhuhu
ay nakow..type na type ko yan! Sana, makapunta ako ano?
gah! love the photo! its soooooo hot in tokyo right now hahaha! sabi nga ni ate V, “i am sweatening!”