LP: Luntian




Hmmm…parang kilala ko tong baka na ito.

Siya na naman. Hindi yata dumating ang amo nya at naghanap ng luntiang lupain upang makakain at medyo magkalaman ang kanyang sikmura. Dangan kasi ang pinag iwanan sa kanya ng kanyang amo ay halos naubos na ang mga luntiang damo na dapat sana nyang kakainin.

Mooohhhh….mooohhhh…

Narinig ko na naman ang boses nya..marahil ay busog na siya. Hindi man nya makita ang amo nya, sigurado akong masaya siya dahil ang kumakalam na sikmura ay may laman na. :)

Halika tayo’y maglibot at bigyan sigla ang tema ngayong linggo sa Litratong Pinoy.

Magandang Huwebes po sa lahat!

Categories: Litratong Pinoy | 31 Comments

Post navigation

31 thoughts on “LP: Luntian

  1. ang ganda naman ng larawang ito. parang ang sarap tumakbo takbo sa bakod! sana lang ay wag ako habulin ng baka.

  2. Jeanny, add kita sa blogroll ko ha ;)

  3. wow, winner cool picture. ganda nga placement ng kalabaw.

    thanks caryn ;)

  4. ay wow ganda ng shot! soul searching si mr.cow haha ;P

    hahaha..oo soul searching nga cya. salamat sa pagdaan ;)

  5. megamomph

    Paborito mo ata ang kalabaw na ‘to… hehe. Di bale, angkop pa rin para sa tema. Happy weekend!
    Pinay MegaMom
    http://megamomph.wordpress.com/2008/07/17/kapirasong-paraiso/

    pansin mo naging paborito ko nga….happy LP

  6. haha, sikat na naman si mr. moo. kaya siguro siya balingkinitan dahil sa kanyang pagiging vegetarian. :D

    Luntian sa MyMemes
    Luntian sa MyFinds

  7. oo nga, kilala ko na itong kalabaw na ito. hehehe
    luntian nga!

    http://biancaelyse-mylife.blogspot.com/2008/07/lp-16-luntian-green.html

  8. ang ganda, ganda, ganda… napakapeaceful na scenery, naalala ko tuloy ng huli kaming magpunta sa bukid na sinasaka ng aking tiyuhin… haay…
    anyway, happy snapping :-)

  9. ang ganda naman ng bukid at bundok… ay! may baka pala he he

    happy lp jeanny!

  10. Haha! Napapakanta tuloy ako ng… algang-alaga namin si puti (itim?), bakang mataba at maputi (maitim). Hehehe!

    Magandang Huwebes!

  11. wow! bida na naman si baka…hehe. na miss ko naman ang pag-uwi sa probinsya, ang makaihip ng masarap (hindi masyadong polluted) na hangin at mamuhay ng simple.

    kay gandang green nito :D

  12. huwaw, saan yan? gusto ko talaga ng simoy ng hanign sa may palayan, hehe:D Ayus, saya sana kung bakasyon ngayon, hehehe.

  13. ang ganda naman dyan…mukhang masaya yung baka sa ginagawa nya :)

    cookie
    http://scroochchronicles.com/

  14. ang sarap naman tignan nito. nakakagaan ng pakiramdam.

  15. mukhang mainstay na sya sa blog mo ah… heheh…happy thursday!!! :)

  16. ang gandang tingnan ng luntiang kapaligiran hindi ba?! ^_^

  17. Ang gandang bukirin! Ang kalabaw ay walang pakialam, basta alam niya, nagugutom siya at gusto niyang kumain! =)

    Ang aking LP ngayong linggo ay makikita sa blog na ito:
    Shutter Happenings.

    Daan ka ha? Salamat!

  18. this reminds me so much of home. kaya gustong gusto ko noon ang nagbabakasayon sa probinsya. if memory serves me right, my lola use to have a carabao that she calls ‘araw’. medyo odd kasi ang color nya eh, mestiso. hehehe! happy thursday ;)

  19. parang marami na syang nakain a! haha!
    magandang huwebes sa’yo!

  20. ang ganda!!!
    galing mo jeanny, ang ganda ng kuha. na-miss ko tuloy ang bukid ng south cotabato.

    hi odette. musta ka na. I know your enjoyi there with Kj ;) TC

  21. tama, dyan nga sya dapat mapunta para marami syang makain na berdeng damo. :D

  22. Ganda ng likod nya! (nice butt sana isusulat ko, ayaw ko sa tagalog lol!) Tuwang tuwa sila kumain ng damo tayo naman ay tuwang tuwa kinukuhanan sila…Happy LP!

  23. hahaha, si baka uli! na-miss ko tuloy sya haha. ang ganda ng kuha, kuhang-kuha ang kalawakan ng hacienda? :D

    maligayang paglilitrato! :)

  24. ang sarap talaga sa mata ang kulay berde ano

  25. hindi kumpleto ang kabukiran scene pag walang baka o kalabaw…sa aking opinyon! hehe.

    happy lp!

  26. haha! oonga sya na naman! pero sa mas magandang tanawain na sha naroroon! ang gandang tanawin!

  27. Siguro pagkatapos kumain ng baka e di na siya balingkinitan! :D Marami-rami din kasi ang damong kakainin niya, di ba? ;)

    Pinoy na Pinoy ang interpretasyon ng lahok mo ngayong linggo – ang husay at ka-ganda!

    Happy Huwebes!

    Malamang tumaba na sya. hehehe. Salamat at naibigan mo ang piktur na ito salamat sa baka. Happy LP

  28. Di na kelangang magpose eh no?

    Ganda dyan, san yan?

    sa nueva ecija yan kapatid. ganda nga jan promise ;)

  29. Magandang kuha! Yan ang okay sa mga hayop. Di pihikan. Strike anywhere! Magandang Hwebes!

    Buti sila pedeng ganun noh…hahaha! Happy LP

  30. LOL! na-extra uli ang baka… napakaganda ng kabukiran…
    preskong hangin… sariwang halimuyak ng mga tanim… hay!

    hahaha…oo nga…abangan baka ma extra ulit yan next week. happy lp

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com. Theme: Adventure Journal by Contexture International.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.