LP: Tatak Pinoy July 3, 2008
Posted by jeanny in Litratong Pinoy.trackback

Anong kaguluhan yan! Si Bea Alonzo pala!
Ganyan tayong mga Filipino. Mahilig samga artista o manood ng pelikula kaya, o kaya naman ay manood ng PBB o PDA. hehehe. Aminin!
Ang mga Pinoy kahit, nahihirapan sa buhay, nakukuha pa rin naman magsaya. Yan ay isa sa mga katangian natin, hindi tayo magpapakalugmok sa kalungkutan, hinding hindi tayo papatalo sa anu mang hinagpis ng buhay. Babangon at gagawa ng paraan upang magkaroon ng masayang buhay.
Mahirap kaya mag-isip kung papaano natin bubudgetin ang ating sweldo hindi ba, ang taas na ng bilihin, ang taas ng gasolina (ako na lang yata hindi tumataas, hehehe). Kaya heto sa isang mall, ang daming nanood kay bb. Bea Alonzo, natutuwa, naaliw sa kanya (singer na rin pala si bea). Isinasaisang tabi muna ang problema upang saglit na magsaya
Mabuhay tayong mga pinoy!
halina at dalawin ang ibang tatak pinoy
sa Litratong Pinoy na alam kong inyong maiibigan.
Happy LP po sa lahat!










Oo nga - “jologs-at-heart” yata talaga ang karamihan sa atin (pati ako!). Hahaha!
Mas type ko nga lang sana kung si Kim Chiu yan!
at nakipagsiksikan ka rin…. LOL
gawain ko rin yan dati noong nasa pinas ako
Ay! Makikiusi din ako ng sandali dyan. Hehehe.
haha! mga starstruck e!
magandang araw sa’yo!
ay naku sinabi mo. tatak pinoy ang pagiging usisero at usisera. hahaha! at ang mahumaling sa mga artista na halos ipagpatayan pag me pumintas sa idol nila! hahaha!
LP Tatak Pinoy: Mga Gawang Kamay
LP Tatak Pinoy: Mga Lamang Tiyan
ang mga usi! kahit sa mga aksidente sa daan, nagtratraffic kasi nga nakikiusi rin ang mga motorista sa nangyari.
happy weekend!
Wala si John L. syang
Happy LP!
hahaha! the last time nagkagulo dito sa tokyo was over piolo and juday. wait, last independence day there were a few other stars, but hindi ko na sila kilala! waaah!