LP 12 Pag-aaral (Ang Tagpuan)

June 26, 2008





Sa tuwing nadadaanan ko ang kainan na ito (qc branch na malapit sa amin) pag kami ay nag pupunta sa supermarket, naalala ko ang aking kolehiyong pinagtapusan ang Pamantasan ng Malayong Silangan (FEU) sa Maynila.

Ang orihinal na branch nito ay sa may likod ng FEU Manila (ang qc branch naman ay sa tapat naman ng FEU regalado). Malaki ang naging parte ng kainan na ito sa akin buhay kolehiyo (tingin ko ganun din sa mga kaklase ko). Naaalala ko pa noon na dito kami madalas naglalagi ng aking mga kaklase. Minsan nga nagiging library na namin ang lugar na ito, hehehe. Ewan ko ba bakit namin naging paboritong lugar ang kainan na ito. Siguro dahil na rin sa kami ay naging welcome dito. Mababait naman kasi ang nagpapalakad dito. Isa pa mura na ang pagkain at masarap, paborito ko ang kanilang pansit..

Hmmmm…natakam yata ako. Sana ang branch na malapit sa amin ay parehas pa rin ang lasa ng pancit nila. hehehe!

Kayo mayroon ba kayong paboritong tagpuan sa inyong paaralan o unibersidad?

Maalala ko, ito ang aking lahok para sa linggong ito sa Litratongpinoy na may temang pag-aaral. Tara sabayan nyo ako sa pagdalaw sa ibang lahok dito

Maligayang araw ng Huwebes sa lahat.

Entry Filed under: Litratong Pinoy, Treats. .

29 Comments Add your own

  • 1. toni  |  July 4, 2008 at 9:31 am

    Nakakasenti talagang balikan ang mga tambayan nung tayo’y nag-aaral pa ano? :)

    Reply
  • 2. G_mirage  |  June 28, 2008 at 8:00 pm

    Naalala ko noon pag pinaguusapan kung saan kakain ang sagot lagi ay ‘kahit saan’ at palagi kong sagot sige magtatayo ako ng foodshop na ang pangalan ay ‘Kahit saan Foodhouse!’

    Marami rin kaming tambayan na kainan noon pero pinakagusto ko ang kinakainan namin kapag kasama ang Publications adviser namin sa dyaryo, libre lagi hehehe.

    Happy LP!

    Reply
  • 3. Lizeth  |  June 28, 2008 at 5:53 pm

    naaalala ko din ang mga kainan na paborito namin ng mga kaibigan ko noong nag-aaral pa ako.Ü

    Reply
  • 4. something purple  |  June 28, 2008 at 5:44 am

    pag walang laman ang tyan wala ring laman ang utak hahah!

    happy weekend: para sayo: http://www.mysomethingpurple.com/2008/06/blog-experiment-meme.html

    Reply
  • 5. ner  |  June 27, 2008 at 5:28 pm

    siguro nga hindi pwedeng walang tambayan ang mga estudyante. kami sa tapat ng eskwela ang tagpuan naman :D

    maligayang paglilitrato! :)

    Reply
  • 6. haze  |  June 27, 2008 at 4:48 pm

    nakakatuwa na maalala ang mga paboritong tambayan nung nagaaral pa tayo.

    happy lp!

    Reply
  • 7. Munchkin Mommy  |  June 26, 2008 at 10:53 pm

    karaniwan yata talagang nagiging lugar din para mag-aral ang mga kainan. mas masarap mag-aral ng busog! :)

    LP sa Munchkin Mommy
    LP sa Mapped Memories

    Reply
  • 8. Cookie  |  June 26, 2008 at 8:20 pm

    nakikita ko yung qc branch madalas. malapit kasi dyan nakatira yung in-laws ko eh.

    ako din, may paborito din akong tambayan na kainan nung college ako. kaso sarado na sya. suki kami dun kasi ang may-ari ay sister ng kabarkada ko. pero wag ka, walang libre dun..hehehe :D

    Cookie
    http://scroochchronicles.blogspot.com/

    Reply
  • 9. strawberrygurl  |  June 26, 2008 at 6:46 pm

    san na nga ba? san na nga ba? san na nga bang barkada noon? tama ba ang lyrics ko? he he

    naalala ko ang kanta ng apo sa entry mo :)

    Reply
  • 10. linnor  |  June 26, 2008 at 6:34 pm

    masayang balikan ang mga araw nung college no? :)

    Reply
  • 11. delish  |  June 26, 2008 at 6:09 pm

    dati… lagi akong bitbit ng ex ko sa Whopper, yung diner na usually katabi ng Merriam Webster na bookstore? They serve the juiceiest burgers, kahit ako na hindi kumakain ng burger, napapakain nun :) Meron nun dati sa may legarda ata…

    oh and that ex was a grad of FEU… ahehe

    Reply
  • 12. marites  |  June 26, 2008 at 5:24 pm

    andami naming tambayan noong nag-aaral pa kmi. sayang nga lang at karamiha’y sarado na pero ang mga masasayang alaala ay naroroon pa rin.

    Reply
  • 13. teys  |  June 26, 2008 at 3:09 pm

    di ako taga-UP pero gusto ko ang pisbol at sago na tinitinda doon… Sayang at wala na ata sila :(

    Reply
  • 14. Dyes  |  June 26, 2008 at 3:01 pm

    ang ganda naman ng kuha mo! parang nagbabalik-tanaw :)

    Reply
  • 15. Pinky  |  June 26, 2008 at 11:01 am

    Parte na talaga ng buhay ng kahit sinong mag-aaral ang “group study” sa paboritong fast food joint. :) Ang sa amin naman dati ay yung sa McDonald’s Katipunan na katapat lang noon ng aming paaralan…

    Gandang LP sa iyo!

    Reply
  • 16. ayen  |  June 26, 2008 at 10:38 am

    ang ganda naman ng translation ng FEU sa Filipino – Pamantasan ng Malayong Silangan. astig! :)

    Reply
  • 17. Reflexes  |  June 26, 2008 at 10:14 am

    ang ganda ng tema mo…tama isang parte sa ating pag-aaral ang mga tambayang tulad niyan.

    Reply
  • 18. ettey  |  June 26, 2008 at 9:01 am

    naalala ko tuloy yung tambayan ko noong nag- aaral pa ako… yung lugawan sa likod ng aming eskwelahan ^_^.

    Reply
  • 19. lidie  |  June 26, 2008 at 8:54 am

    yan yata talaga ang namimiss ko sa college! ang tambayan kasama ang barkada!
    magangdang huwebes sa’yo!

    Reply
  • 20. farah  |  June 26, 2008 at 7:59 am

    napakatamis alalahanin ang mga lugar na dati ratiy pinupuntahan nung tayoy mga estudyante pa lamang…

    maligayang huwebes sayo! :)

    Reply
  • 21. ShutterHappyJenn  |  June 26, 2008 at 7:36 am

    Parang bigla rin akong natakam ah? =)

    Ang aking LP ay nakapost DITO.

    Sana ay makadaan ka. Salamat!

    Reply
  • 22. betchay  |  June 26, 2008 at 7:12 am

    naalala ko tuloy ang paborito naming tagpuan ng mga kaklase ko sa kolehiyo – Baliwag Restaurant – masarap ang arrozcaldo nila sa umaga at maiz con hielo na meryenda sa hapon

    Pamantasan ng Malayong Silangan ba talaga ang pangalan ng FEU sa Tagalog ;)

    Reply
  • 23. julie  |  June 26, 2008 at 5:58 am

    Ahh, magandang alalahanin ang mga lugar kung saan nagkarun ng bonding kasama ng mga naging kaibigan at kaklase :)

    Magandang araw ng Huwebes.

    Reply
  • 24. Thess  |  June 26, 2008 at 3:54 am

    Ay ang korni ko, kasi wala akong maalalang paboritong kainan sa Mendiola, laging pangtawid gutom lang ha ha! Tinapay at hopia!

    Happy LP!

    Reply
  • 25. Leap of Faith!  |  June 26, 2008 at 2:56 am

    Mukhang masarap ng ang pagkain diyan sa inyong tambayan. Nakakamiss no?

    Maligayang LP!

    Reply
  • 26. Arvin  |  June 26, 2008 at 2:09 am

    Deadly combo, masarap at murang pagkain, wahehehehe:) Diyan na ako titira kung ganun, hehe. NUng HS e, McDo lang ang kainna na malapit sa eskwelahan, at malayo yun, kasi bukid yung iskul e, hehehe.

    Reply
  • 27. Dr Emer  |  June 26, 2008 at 1:32 am

    Recess! Recess! Yan ang paborito ko noong nag-aaral pa ako. :lol:

    Oo. Palaging may paborito akong kainan sa mga campus na pinag-aaralan ko noon. Kung nasaan ang barkada, doon din ako.

    Reply
  • 28. ces  |  June 26, 2008 at 12:38 am

    Yan ang pinakamasarap na parte ng pag-aaral! pagkain kasama ang mga kaklase!hahaha!

    Reply
  • 29. Bahchi  |  June 26, 2008 at 12:22 am

    Sarap alalahanin ang mga nakaraan hehe… Lalo na yang mga tambayan na yan pagkatapos ng klase :)

    Maligayang Huwebes!

    Reply

Leave a Comment

Required

Required, hidden

Some HTML allowed:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Recent Comments

dong ho on Dreams….
upto6only on Dreams….
upto6only on Sizzling Pepper Steak
blue rose on Dreams….
kg on Dreams….

Recent Posts

Categories

Archives

RSS Startin' A New Life Too

RSS What’s keeping me!

Subscribe to my blog

 

Subscribe in Bloglines

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

Copyright

* 2005-2008 by Jeanny De Jesus *

All rights reserved. Please do not use my original photos or reprint my writing without asking me for permission. Thank you!

Blog Stats

Meta