jump to navigation

LP# 11 Itay June 19, 2008

Posted by jeanny in Litratong Pinoy.
trackback

Maulan, kaylakas ng hangin at madilim ang kalangitan, parang isang panganib na nagbabadya ngunit patuloy pa rin sa pag kayod upang may maiuwi para sa hapunan.

Ganyan ang ating mga ama….

Gagawa, kikilos, kakayod para lamang maitaguyod ang kanyang pamilya.
Yan ang interpretasyon ko sa larawang aking ibinahagi. Ito ay kuha mula sa isang pantalan sa Pangasinan ng kami ay pauwi na galing sa hundred island. Namangha ako kasipagan ng mamang ito. Palubog na ang araw ngunit sya ay walang pagod pa rin sa paghanap ng mga turistang ipapasyal nya sa kagandahan ng lugar.

Naalala ko noong kami ay bata, si tatay, sobrang sipag mag trabaho. Pati Sabado, minsan nga pati linggo walang humpay sa pag punta sa site. Sa konstruksyon kasi sya nag tratrabaho noon. Kaya bilang kapalit, nag aral kami ng mabuti upang magtapos. Isa lamang ang hindi ko maintindihan kay tatay….sobrang strikto nya (as in sobra ha!) Kaya kaming magkakapatid ay takot sa kanya, maraming bawal noon. Bawal mahuli ng uwi.Kahit noong nasa kolehiyo na ko, hindi pa rin ako pwede gumimik. Tapusin ko daw muna pag aaral ko sabi nya. Hindi ko siya maunawaan bakit sya ganun ka strikto kaya minsan nagtatampo ako kasi hindi ko magawang gumimik at sumama sa barkada. Naiisip ko noon, wala ba akong karapatang mag saya!!!wala ba!!!!… hahaha ang drama ko?

Pero ngayon…naiintindihan ko na bakit ganun si tatay. Ngayon naisip ko na nasa lugar naman pala ang pagiging strikto nya, overacting lang talaga ko, hehehe.
Hay…ang galing noh? Ang mga tatay (pati si nanay) laging alam ang tama para sa ating mga anak. :)

Kaya sa linggong ito, pinaparangalan ang ating mga mabubuting ama sa litratongpinoy.
Halina at dalawin ang ibang lahok dito

Happy Father’s day po sa lahat ng mga tatay! Mabuhay po kayo

Comments»

1. ces - June 19, 2008

totoo lahat ito, mabuhay talaga ang mga ama! saan ba itong larawan? maging ang mga ulap ay nakisama sa ioyong photo op!

2. Meeya - June 19, 2008

totoo, minsan talaga father knows best. maa-appreciate na lang natin lahat yun pag matanda na tayo, lalo na pag may sariling mga chikiting na rin hehe. happy lp, jeanny! :)

3. Meeya - June 19, 2008

totoo, minsan talaga father knows best. maa-appreciate na lang natin lahat yun pag matanda na tayo, lalo na pag may sariling mga chikiting na rin hehe. happy lp, jeanny! :)

4. lino - June 19, 2008

maligayang araw ng huwebes… :)

5. Linnor - June 19, 2008

sana lagi syang palarin na makahuli ng marami para sa kanyang pamilya…

6. lidie - June 19, 2008

ang tatag talaga nila!
magandang huwebes sa’yo!

7. Reflexes - June 19, 2008

nawa ay lagi silang maging masaya sa anumang larangang kanilang tinahak upang maitawid ang kani-kanilang pamilya. mapuspos ng pagmamahal mula sa kanilang mga mahal sa buhay.

8. ettey - June 19, 2008

baket pag sa magulang ang topic hindi pwedeng hindi maging emosyonal?! haaaaaay :(

9. betchay - June 19, 2008

totoo yan… ngayon nauunawaan ko na ang tatay ko kung bakit siya istrikto… sana maintindihan din ng mga anak natin kung ganun tayo sa kanila :)

10. toni - June 19, 2008

Ibang klase ang pagpapakita ng pagmamahal ang isang ama ano? Ang ganda ng iyong kwento. :)

11. strawberrygurl - June 19, 2008

totoo yan. hindi ko rin naintindihan ang pagiging strikto ng aking ama kung hindi ngayon na matanda na rin ako.

Busymom: LP2 Itay (Father)
Strawberrygurl: LP12 Itay (Father)

12. Lizeth - June 19, 2008

sobrang naiintidihan ko ang mga sinabi mo.Ü

tunay na kahanga-hanga ang ating mga ama!

13. Dyes - June 19, 2008

sang-ayon ako sa mga sinabi mo. nakita ko kung paano nagpagal ang aking ama upang ako ay mapagtapos at paano sya nagbunyi nang makuha ko ang aking diploma

14. haze - June 19, 2008

kaya ganun na lang din ang laki ng respeto ko sa mga tatay/ama na lahat gagawin para sa pamilya. kalimutan na ang pang sariling kapakanan, basta lang makitang masaya ang pamilya.

happy LP sa iyo!

15. odette - June 20, 2008

happy belated father’s day to your tatay!!!
great entry and tribute jeanny!

16. ner - June 20, 2008

nakakatuwa, nakaka-relate ako sobra! hehe.
belated happy father’s day din sa’yo. ^^

maligayang paglilitrato! :)

17. munchkinmommy - June 20, 2008

lahat yata tayo dumaan sa stage na feeling natin istrikto masyado ang mga magulang natin. pag naging magulang na ang isang tao, saka lamang talaga lubusang naiintindihan ang kaniyang sariling mga magulang.

Bagong Ama
Magkalaro, Magkaibigan, Mag-ama

18. julie - June 20, 2008

Kahit na naging istrikto, alam naman natin na para sa atin din naman ang kanilang ginagawa ;)

19. Thess - June 20, 2008

Hello Jeanny! Ganun yata karamihan sa ama, kailangan maghigpit para na rin sa kapakanan ng mga anak.

Happy weekend sa iyo sister :)