LP# 10 Pag-iisang dibdib

Si bunso, sobrang pihikan . Kaya sa edad nya malapit na mag trenta (o trenta na yata) hindi pa niya napipili ang taong magpapatibok ng kanyang puso. Maganda naman siya, may nanliligaw, ngunit sadyang mapili. Kaya naman si itay at inay madalas siya kulitin at tanungin kung kaylan siya magkaka boyfriend, Pati tuloy ako nangangamba noon na baka tumandang dalaga siya. Ito naman si bunso ang tangi lamang nyang sagot ay in God’s perfect timing. Naisip ko na lang noon, sige panghahawakan ko ito, hindi ako maiinip para sa iyo. :)

Kaya isang araw galing sa opisina, tinawag ako ng aking nanay mula sa kabilang bahay at pinapupunta ako sa silid ni bunso (nasa opisina pa rin si bunso, nag overtime yata).at eto ang aking nakita

Go go kapatid!!!!!
ang bibliya at isang wedding directory

Aba…abah…aba!!!!!..In God’s perfect timing nga! Sa wakas

So ayun na, kwento nga ni nanay na ang ginoo na sumusuyo ke bunso ay naka kadestino sa Singapore at uuwi sa kanyang kaarawan sa Oktubre. Sana nga matuloy, sana nga totoo, dalangin ko na sana sya na nga ang taong kahati ng kanyang puso at matuloy sa pag iisang dibdib. :)
Ang saya saya di ba?!

Oo nga pala eto ang aking lahok para sa Litaratong Pinoy. Dalawin ang iba dito, alam ko maiibigan nyo ang kanya kanyang kwento tungkol sa pag iisang dibdib.

Categories: Litratong Pinoy | 31 Comments

Post navigation

31 thoughts on “LP# 10 Pag-iisang dibdib

  1. naku! naku! isang kabanatang dapat subaybayan ito!!!! balitaan mo kami sa pamamagitan ng iyong blog ha? :)

  2. sa panahon ngaun uso na ata ang ikasal ng halos umabot na ng 30. all the best sa kapatid mo na bunso. :) worth the wait naman talaga in His perfect time. mabuhay LP! :)

  3. ayos… pasensya na at ako’y huli, pero narito na rin po ang aking bahagi para sa linggong ito… happy LP… :)

  4. dang

    wish them the best..harinawa!!
    nice pic btw!

  5. uy! kakakileg naman yan.. sana sana… :)
    happy lp!

  6. naalala ko, kami nga pala ni hubby ay dating na-feature sa ad ng w@w tungkol sa kasalan, hehe. nasan na kaya yun? wala yata akong kopya hehe.

    best wishes sa iyong kapatid! *muah*

  7. uy exciting naman yan.. sana nga..

    re your comment, oo nga e, remember when hehe

  8. kakaiba…ang galing ng lahok mo!

    Ang aking LP ay naka post na rin:

    Shutter Happenings, daan ka kung may oras ka.

    Salamat!

  9. ay ako rin, wish ko lang eh sana nga totoo, at matuloy :)

    gusto ko din sumali sa LP kaso hindi talaga ako sanay mag-post sa tagalog :D

  10. naku, sana nga ay ito na ang sinasabing “in God’s perfect timing”.
    God bless sa inyo at sa iyong kapatid. :)

    hapi huwebes!

    Sumpaan
    Abay

  11. Kakaiba ang entry mo sis ha! Magandang Huwebes! :)

    http://edsnanquil.com/?p=799

  12. ang galleeennngg!!!
    paborito ko talaga ang iyong mga lahok sa LP, galing ng komposisyon!

    give me some skin sistah!!!

    siya nga pala, meron akong “samting” sa iyo sa aking blog. :)

  13. ahhh, nakakaaliw at nakakakilig! sana mabait ang lalaking iyon. :)

    maligayang huwebes!

  14. in God’s perfect timing talaga! kesa naman pangunahan ang Panginoon at magdusa habang buhay, mas mainam na ang maghintay at makalasap ng kaunting langit dito sa lupa :)

  15. nawa ay si maging maganda at maayos ang kanilang relasyon…gabayan sila ng ating Panginoon.

    masayang Huwebes na naman!

  16. Sana nga, in God’s perfect timing na yan :) Ituloy mo itong pangyayaring ito ha? (tsismosa eh, :D )

    Magandang Huwebes!

  17. exciting naman yan..balitaan mo kami ha :D

    cookie
    http://scroochchronicles.blogspot.com/

  18. Naku, congratulations kay bunso. Sana nga ay sya na nga.

  19. haha! ang galing!
    magandang huwebes sa’yo!

  20. Sana nga si Mr Right na si Mr Singapore! Ahahay, pag-ibig! :lol:

  21. Excitedness talaga para sa mga nalalapit na ikasal, pati na rin sa mga taong malapit sa kanila:D Saya kasi, di ba, love, happiness, haay, hehehe:D

  22. oo nga, ang pag-aasawa ay hindi minamadali…

  23. ayus, sa weddings at work ba ito? libre promotion! ha ha

  24. Exciting nga! Maganda ang binanggit mo na kahati ng puso….

    Happy LP!

  25. Goodluck sa inyong bunso, panalangin ko kaligayahan nya sa kanyang susuungin :)

    Happy LP!

  26. e alam ba naman ni bunso na nilathala mo ito? haha! good luck sa kanya at sa inyo na rin…

  27. oo nga wala talagang tatalo sa timing ni God, kahit gaano katagal :)

    happy LP!

  28. Magandang balita yan! Talagang, “in God’s perfect timing.” Nakakatuwa naman. Labis siguro ang kasiyahan ng bunso. =)

  29. noong ako na ang kinasal 16 years ago, wala pang mga wedding directory or wedding planners :)

  30. Napaka-exciting! Sana nga ito na yung hinihintay nya. :)

    OO nga eh, lahat ng meyembro ng pamilya ultimo si lola, nakiki uzi tungkol sa lovelife ni bunso. So ayun…
    salamat pla sa pagdalaw gracey :)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com. Theme: Adventure Journal by Contexture International.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.