LP#9 Ihip ng hangin May 29, 2008
Posted by jeanny in Litratong Pinoy.trackback
Huwebes na naman…araw na naman ng Litratong Pinoy. Para sa araw na ito, ang ating tema ay Ihip ng Hanging.
Napili ko ang larawang ito na ibahagi.
Ang mga pahina ng aklat ay para bang sumasayaw at sumasabay sa ihip ng hangin na nagmumula sa aming bentilador. Ang ganda nya pamasdan. Para bang nang-aakit at nagsasabi na basahin mo ako.
Ang kauna unahang nobela na aking nabasa at natapos (maliban sa EL PIli at Noli) eh yung Changes ni Danielle Steel. Naiyak ako sa kwento. Hindi pa ako nakuntento, inulit ko pa basahin. Natatawa nga sa akin ang kapatid ko noon kasi malamang daw hindi ko raw naintindihan ang kwento,hehehe. Pangangatwiran ko naman, marami kasing highlights ang librong iyon, kaya masarap siya ulitin. Bwhahaha!
Anyway…sabi ko nga kay sarap gawing pampalipas oras nung mga panahong iyon ang pagbabasa. Ngayon uso na kasi ang internet at ebooks. Gayun pa man, bumibili pa rin ako ng mga libro, hindi pa rin ako nagsasawa magbasa ng mga ito. Para sa akin, walang katapat ang ligayang naibibigay nito.
Para naman sa ibang lahok, bumisita po dito
Maligayang LP sa lahat.











mahusay ang lahok mo, may bintilador ka bang ginamit dito? paborito ko rin si danielle steel noong ako’y dalaga pa…matagal na yun! haha!
ako din mahilig pa din sa babasahin kahit may internet lalo na kung nakaupo sa ilalim ng puno at may sariwang hangin
gandang webes ces!
ay mali jeanny pala hehe sowee ha
doklengs
nakakatuwa! nakita ko ang shopaholic ni sophie kinsella, binili ko kasi ang buong series nyan sa sobrang tuwa ko nung mabasa ang unang serye.nakakaloka si becky, sobrang nakakarelate ako minsan sa mga pinanggagagawa niya.
Mgandang konsepto ang naisip mo. Mahilig din akong magbasa pero hindi pa ko nakabasa ng libro ni Danielle Steel.
Magandang Huwebes!
Galing ng perspektibo mo rito at kelangan ko pa iikot ang paningin ko para malaman kung paano ang magandang anggulo…hehe.
Happy LP!
Naku, ipina-alala mo sa akin na kailangan ko magbasa-basa ulit ng mga libro ko dito..nagiging display na sila sa aking desk!
OO nga ano? simpleng bagay na tulad ng nahahanginan na libro ay tila nakaka mesmerize para sa akin
Happy Thursday!
Tama ka, Jeanny, ako man mas gusto ko pa rin magbasa ng “totoong” libro kasi parang may kakaibang pakiramdam gawin ito lalong lalo na kapag malapit ka nang matapos - mas exciting, kumbaga…
Maligayang LP sa iyo, kapatid!
unique ang napili mong lahok para sa temang “hangin” pero akmang-akma sya. galing!
ako rin mas gusto kong magbasa ng libro na nahahawakan, lalo na yung may amoy dahil sa kalumaan… tapos upo sa duyan sa ilalim ng napakalaking puno ng santol (sa bahay namin sa pilipinas) habang nadadama ang dampi ng ihip ng hangin sa aking mga pisngi
uy! nagkapareho tayo ng lahok ngayong linggo!
magandang huwebes sa’yo!
ako rin electric fan… happy huwebes…
ang galing! nice interpretation
ang libro…mga papel na madaling matangay/hanginin dahil sa malakas na ihip ng hangin. magandang ideya.
magandang araw ng Huwebes sa iyo.
matakot ka na lang kung biglang bumukas yung libro kahit walang hangin, hehehe, parang sa pelikula lang. Yun ang nang-aakit talaga, hehehe:D
nagustuhan ko yung entry mo kasi talagang mahilig ako sa libro. =)
kakaibang idea to! maligayang LP!
Gusto ko yan dahil ako ay mahilig magbasa at maraming naipon na aklat
Happy Huwebes
ang sarap gawing libangan..nagbabasa ng paboritong libro, habang nararamdaman mo ang ihip ng hangin….maya maya tulog ka na
mahilig din ako magbasa ng libro. wala pa ring tatalo sa pagbasa ng tunay na libro na nasa iyong mga kamay kasama ang amoy ng mga pahina.
maligayang LP!
Maligayang Huwebes! Mahilig din ako magbasa. Nahahanginan din paminsan-minsan ang mga pahinga ng aking mga kaibigang libro. Ang husay ng iyong kuha.
I tagged you here sparkly friend: http://wifelysteps.com/2008/05/29/sparkly-friends/
alam mo ang isang ginagawa namin sa school noon, nag-drodrawing kami ng stick figures sa dulo ng mga pahina tapos mabilis na shinashuffle namin para animo’y sumasayaw yung pigura…la lang..nasabi ko lang..
masayang hwebes sa iyo..at happy LP!
walang makakapigil sakin sa pagbili ng libro.
ganda ng kuha mo.
alam ko na ang katabi ng libro na un ay ang shopaholic ni sophie kinsella. nakakaaliw! mahilig din ako magbasa ng libro kaya natuwa ako dito.
may katulad kang bentilador trick ang ginamit para sa linggong ito.
happy weekend, jeanny!
pareho tayo jeanny, ganun din ang tingin ko sa mga libro. besides, masakit sa mata pag laging e-books ang binabasa mo
kakaiba naman ang lahok mo!
Kakaiba ang entry mo. May nilalaman. Keep up!
hi jeanny, nakaka-mesmerize nga naman panoorin ang aklat na sumasayaw sa hangin. hindi mo alam kung saang pahina siya bubuklat, tipong surprise!
nai-imagine ko din tuloy ang lumalagitik na tunog ng mga pahinang nililipad ng hangin….
Ang galing ng konsepto. Ikaw pa lang ata ang nadalaw ko na ganito ang entry. Hinihipan ng hangin ang mga pahina ng libro. Maganda.
Salamat sa pagdalaw sa entry ko.
totoong me e-books na nga pero mas tinatamad ako magbasa ng e-books kesa sa pisikal na libro talaga. mas maganda pa rin na nakikita kong dumarami ang libro sa cabinet ko. kahit ang anak ko eh mababasa ang mga ito pagtanda nya.
galing ng litrato mo! happy weekend po!
jeanny, anak ko naman mismo ang pinahanginan ko sa bintilador para sa LP. hahaha!
jeanny, hi mami. very nice pic. keep it up. idol na kta. paturo ha.