LP# 8 Tubig

Huwebes na naman at ang ibig sabihin ay araw na naman ng Litratongpinoy. Kaya heto na naman ako at magbabahagi ng isang larawan para sa tema ngayon linggo na Tubig.

Ang larawan nasa itaas ay kuha ko nakaraang buwan lamang ng ako at ang aking asawa ay namasyal sa Metro Market Market sa may Taguig. Isa sa mga main attraction nila doon ay ang fountain. Ang ganda nya pag masdan dahil, iba iba ang movement ng tubig. Me paputol putol, may tuwid na pataas at mayroon din maliit na pag buga ng tubig. Kaya nga maraming bata (isa na kami dun, hehehe) ang nag tipon sa harap ng fountain at nanood na para bang may pelikulang pinapalabas ng siya ay pinapaandar na. Nakakaaliw, nakakarelax siya lalo na ng pagod na isip :) .

Gusto nyo pa bang masilayan ang ibang lahok para sa tubig, bumisita dito

Magandang Huwebes at Maligayang LP sa lahat. :)

Advertisement

35 Responses to LP# 8 Tubig

  1. May relaxing effect talaga ang tubig ano? Ako man ay aliw na aliw manood ng mga water fountain at makinig sa mga Zen water pieces.

    Gandang LP sa iyo, kapatid!

  2. okay ba jan sa market market?

    mahilig ako sa fountains, at isa sa favorite kong fountain e yung music fountain sa hangzhou: http://www.kotsengkuba.com/2008/05/dancing-with-the-music-fountain-along-hubin-rd/

    pero hindi yan ang lahok ko for this week’s “tubig” ;-)

  3. sa wakas at nakapag-comment din nang maayos.

    maganda ang kuha mo nito. nung una ko ring nakita yan eh natuwa rin ako.

    happy weekend!

  4. nakakatuwa naman :) hindi pa ko nakapunta dyan, sana next time :)

  5. ay ang cute! pwede bang mag-wish sa fountain na yan? baka tumalsik mga coins na ihahagis ko! :-)

  6. naku ni minsan ay di ko pa narating yang ‘market market. mukha ngang pinaganda nila ng husto. sa susunod na uwi namin nawa ay makapamasyal na kami dyan.

    masarap ngang maglaro sa ilalim ng fountain :D

    magandang araw sa iyo.

  7. ay nakita ko rin yan, nung february nang ako’y mamasyal sa boni at tunay ngang nakakatuwa! ang pinaka paborito ko sa lugar na yun ay ang a different bookstore, parang ayoko nang umuwi! :)

  8. miss ko na ang market market lalo na ang mga kapitbahay nitong serendra at bonifacio high street! maraming batang naglalaro sa fountain na yan! :)

    Waterfall
    Fountains

  9. owww, a fountain. nice entry… happy thursday ;)

  10. salamat sa bisita, i’d like to invite you for a blog meme.

    let me know your email addy.

    good wishes,
    pete

  11. alam mo ba kung saan may isa pang magandang fountain/water display? sa serendra :) naalala ko lang :)

    Magandang huwebes!

    Ay hindi ko pa napapasok kc ang serendra kahit katapat lang cya. mabisita nga minsan, salamat sa suggestion ;)

  12. ang sarap magtampisaw sa fountain! :)

    have a good weekend!

    kaw di Tin, have a great weekend :)

  13. Ang lakas ng sirit, nakakatuwa naman!! May mga batang naglalaro din ba sa fountain?

    Happy Huwebes sa iyo sister :)

    Meron din..nagtatakbuhan pa nga kaya madalas basa sila kaya si kapatid na dyes nag babaon pa daw ng damit para sa anak nya hehhehe…

  14. prang ang sarap tumakbo sa pagitan nun fountains.

    Oo masarap nga kaya siguro madaming bata nag nag tatakbuhan jan…

  15. ay sa market market pala, sosi :) hindi ko masyado napapansin ang fountain dyan hhehehe

    gandang huwebes!

    Sis pag nagawi ka ulit tignan mo Im sure mag eenjoy ka :)

  16. hahaha :) lagi ko tong nakikita :)
    ayoko mabasa :D

    hahaha ganun ba…maligayang LP sa iyo ;)

  17. Nakikita ko ito! Nakikita ko ring ang mga batang tumatakbo sa fountain. Hay naku ang titigas ng ulo. Haha!

    Oo nga. One time nga me nag lagay ng cup ng coffee dun mismo sa butas tapos biglang simirit ang tubig kaya ayun nabasa sya at napagalitan pa ng mami nya, ayan kasi tigas ulo…hahaha

  18. sabi na nga kilala ko yang fountain na yan! dyan mahilig maglaro ang aking tsikiting kaya meron kaming dalang pamalit ng damit :)

    happy hwebes!

    talagang handa ka para sa mga anak mo…yan ang mami.. :)

  19. Isa ito sa gusto kong puntahan pag-uwi dahil hindi ko naabutan nunghuli ako nasa pinas…Salamat sa pagbahagi ng litratong ito. Gandang Huwebes!

    Walang anuman kapatid. Happy LP

  20. Sosyal ha! Market na may fountain. :)

    Magandang Huwebes kaibigan!

    http://edsnanquil.com/?p=738

    Ah oo sosyal na market sya at me mall din sya sa loob na may mga sosyal na boutique, Ayala land kasi gumawa kaya sosi.

  21. nakakatuwa ngang panoorin yang fountain, saka masarap kumain at mamili dyan sa palengke ng market market. mabalikan nga! :D

    happy huwebes! :)

    Ah oo fresh ang mga fruits dyan at peborit ko ang inengs at buddys kainan pag nanjan kami ;)

  22. kongkong622

    natutuwa ako sa mga batang naglalaro dyan sa fountain na iyan. para silang nakikipaghabulan sa buga ng tubig :)

    see u next LP!

  23. kelangang mapuntahan yan ah..magandang huwebes!:)

  24. Tuwang tuwa ang mga bata sa mga paglabas ng tubig na yan :) Tunay namang nakakaaliw.

    Magandang Huwebes sa iyo.

    tama ka…pati kami ay tuwang tuwa rin palibhasa’y pareho kami ng asawa kong isip bata, hehehe…

  25. isang napakapamilyar na lugar, at fountain!

    maligayang LP :)

  26. ganda ng fountain ha! :D maligayang huwebes po!

  27. naku! ang daming mga batang nababasa dyan! haha!
    magandang huwebes sa’yo!

  28. alam mo bang di pa ako nagagawi dyan? hehe. maligayang araw ng huwebes…

  29. masarap magtampisaw dyan at sa palengke pa! heheh

  30. ito lang ang alam kong palengkeng may fountain :) hehe

    gandang ‘webes!!!

    gandang huwebes din. Salamat sa pag daan :)

  31. marketmarket! ka-miss! nakakatuwa nga ang mga ganitong fountain!

  32. Ay! Ang ganda anda! Enjoy ko rin yang fountain sa Market2.. lalo na kapag ang daming mga bata na naglalaro at sadyang nagpapabasa! Nakakatuwa panoorin! :)

    sinabi mo pa…talagang nakaktuwa sila panoorin kaya pati kami ni hubz nakiki join narin sa basaan, hehehe

  33. haha palagi ko ito nakikita, malapit lang ang market market sa opisina namin. nakakatuwa kasi ang daming batang naglalaro sa fountain na yan.

    Ah talaga lapit lang kayo. Minsan nga naiiisp na ko sana malapit kami jan kasi peborit ko ang buddys..hehehe

  34. I stumble to this site. great photo. I love it

  35. napansin ko din yang fountain na yan ng kami ay namasyal minsan sa market market. tama ka nakakaaliw sya pagmasdan at nakakatanggal ng pagod.

    http://hipncoolmomma.com/?p=1776

    salamat sa pag daan. Hanggang sa susunod na huwebes :)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

Gravatar
WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s