LP#7 Umaapoy May 15, 2008
Posted by jeanny in Litratong Pinoy.trackback

Tag ulan na ngayon ngunit nasa aking alala pa rin ang masasayang sandali ng tag-init. Ang larawang aking ibabahagi ay kuha noong nakaraang Abril, ang pinakamainit na buwan sa Pilipinas kung tutuusin. Kaya nga maraming Pilipino ang gumagawa ng paraan upang maibsan ang parang umaapoy na pakiramdam dahil sa sobrang init ng panahon. Marami ang nag pupunta sa beach samantalang ang iba naman ay sa mga swimming resort na nagkalat sa kalakhang Maynila. Tulad ng nasa larawan, ito ay isang swimming resort na malapit sa aming lugar. Napakaraming tao, ngunit kahit papaano ay nalunasan ang init na aking nararamdaman.
Ang larawan nga pala ang aking lahok para sa Linggong ito ng Litratong Pinoy na nasa ika-pitong Linggo na may temang Umaapoy. Umaapoy naman ang aking lahok di ba…Umaapoy sa init ng panahon. hehehe.
Magandang Araw ng Huwebes sa lahat.









ayos! sobrang init kailangan ng magtampisaw
gandang lp!
hay ang sarap ng tubig sa nag-aapoy na panahon
sayang hindi man lang kami nakapag-ekskarsyon ngayong tag-araw, maaga kasi nagsimula ang tag-ulan hayy!
hehehe, umaapoy nga naman sa init!
ang iyong lahok ay maaari na rin para sa susunod na huwebes - ang tubig.
Hmmm… hulaan ko, kapatid, sa susunod na linggo, may apoy naman ang lahok mo ano? Hahaha! Biro lang ha…peace tayo!
Pero tunay nga namang naiibsan ang umaapoy na pakiramdam kapag naligo sa swimming pool - sarap!
ramdam na ramdam ko ang nagbabagang init sa kuhang ito! parang ang sarap nga mag-swimming!
Buti nasa pool, baka nga biglang sumiklab ang init! hehe, sarap naman magswinning! Eh lumangoy, mali ispeling tuloy…
Ang daming tao sa pool! Naalala ko yung commercial tungkol sa buni. Hehehe….
naku! kahit pa nag-uuulan na, gusto ko pa ring magtampisaw sa pool o beach! haaay…
magandang huwebes sa’yo!
huhu. kahit isang beses hindi pa ako nakakapag swimming ngayong summer, ang loser ko.
naiinggit tuloy ako sa lahok mo.
Ok lang kahit me ulan na, tampisaw pa din, weee!
Sandali lang ang ating tag-init para ngang hindi ko na-enjoy ang umaapoy na init ng araw eh.
Maligayang Huwebes sa iyo.
sige na nga! sa pagbasa ko pa lang ng entry mo, nararamdaman ko na ang init ng hangin
happy hottie hwebes!
Sayang nga tapos na ang summer. Di ko pa nga nalulubos eh.
See u next LP
ok ito! isa sa mga unique at orihinal na lahok para sa linggong ito. kudos!
Ummapoy nga ang kainitan ngayong bakasyon! Pag nakikita ko ang larawan mo ay napapakanta ako… Gusto kong mag-swimming… sa balong malalim…
Magandang Huwebes sa yo!
kaka miss magtampisaw sa pool! happy thursday po!
minsan nga pakiramdam ko parang impyerno sa sobrang init ng panahon. ahahaha! happy huwebes!
tama nga ang piktyur mo. talagang parang apoy sa init ang summer sa pilipinas…
oo nga naman at kung umaapoy sa init, san pa ang punta ng tao? sa ginhawa ng tubig. hehe
tama nga ang sabi ng mga naunang nag comment, pwede mo na ring entry yan sa susunod na LP. hehe
happy LP sa iyo!
oo nga, itong panahon ng tag-init..pati tubig parang nag-aapoy na din sa init!!
hamo lagi kita iisipin pag dating ng winter dito at papadalhan kita ng konting lamig kahit sa alaala lang..o di ba?
naku kung ako yan at parang sobrang init ng araw.. hindi pa rin ako lulubog..maghahanap ako ng lilim at magpapaypay..hehe! =)
Maligayang Huwebes!
hay naku sobrang init nga noong nag daang araw, at naku po ganyan din ang mga pool dito sa amin puno ng tao.. maligayang huwebes
Buti naman malapit kayo sa swimming pool, kahit maraming tao medyo malaki yung pool, enough for everyone! SPLASH!!!
umiinit na rin dito sa sfo, kaya feel ko ang photo mo. gusto ko na ring mag swimming, hehehe
wow daming tao ha, hehe. mukhang lahat sabik takasan ang init ng araw hehe.
MyMemes: LP Umaapoy
MyFinds: LP Umaapoy
ang sarap naman! lumalig ulit sa tokyo last weekend pero sobrang looking forward to the summer! woot! ang ganda ng kuha; ironic kasi ang refreshing, pero ramdam mo ang ineeet!
ang saraapp maligo sa litrato mo jeanny!!!
sobrang init talaga ng summer dito,apaoy talaga ang ulo mo!
nakakamiss naman ang panahon ng tag-init sa pinas!!! tamang tama pa na bakasyon kaya kahit mainit ay masarap pa din mag outing lalo na ka-bonding ang mga kaibigan at pamilya!!!
mabuhay LP! 
galing, kabaliktaran ng nag-aapoy. or actually, epekto ng nagaapoy na panahon
happy LP!
galing, napaka orihinal para sa tema. natatapos na ang panahon ng tag-init pero masarap pa rin mag swimming. Hehe!
Maligayang LP!
nauna ko tignan ung picture kesa basahin ang iyong akda. kala ko tuloy ung apoy mo ung maliit na orange sa larawan! lol!
para tuloy gusto ko mag-swimming ngayon…. =)