LP#6 Mahal na Ina May 8, 2008
Posted by jeanny in Litratong Pinoy.trackback

Malayo ang tingin, si wowowee naman ang tinatanaw….hehehehe
Siya po ang aming mahal na ina ng aming angkan. Ang aking mahal na mama, iyan ang tawag namin kay lola. Kung hindi ako nag kakamali sya ay nag kaka edad na walumpu’t apat nitong darating na Mayo 29. Kaya ang larawang ito na pahirapan kong kinuha kanina ang aking lahok sa Litratong Pinoy ngayon Huwebes na may temang Mahal na Ina.
Katulad nga ng sinabi ko, pahirapan kong kinuha yan. Dangan kasi sa tuwing sasabihin ko sa kanya na kukuhaan ko siya ng litrato biruin mong tatalikod o kaya’y ihaharang ang kanyang dalawang kamay sa mukha nya. Hay ang aking lola, parang bata, napaka kulit at mahirap kausap. Medyo mahina na kasi ang kanyang pandinig kaya minsan na tumawag ako sa bahay mula sa aking opisina, siya ang nakasagot at hindi pa man ako nagsasalita sukat ba namang sabihin nyang,
mamaya ka na lang tumawag wala ang kailangan mong tao dito,
sabay baba nya ng telepono. Pinindot ko ulit ang numero ng aming bahay nagbabakasakali na na may ibang sumagot, ng pag angat ng telepono, siya na naman ang nakasagot at sabay sabi nya na may iritadong boses na,
ang kulit mo sabi ko na mamaya ka na tumawag at wala ang taong kailangan mo dito
…nyahahaha…oo nga naman, sinabi nga na wala doon eh, umulit pa ng tawag, ayan….nasigaw at nasabihan tuloy ako ng makulit ni lola. hahaha
Ang lola ko talaga, masungit na makulit. Ganun pa man, mahal na mahal namin siya. Siya kasi ang nag aruga sa aming magkakapatid noon bata pa at tagapagtanggol namin pag pinapagalitan ng tatay at nanay. Mama, dalangin namin sa iyong darating na kaarawan ang mas masiglang pangangatawan at makapiling ka pa namin sa mga darating mo pang kaarawan. Happy Mother’s day din po sa iyo
Sa lahat po ng nanay, inang, mama, mommy o paano man kayo tawagin happy mother’s day po sa inyo.
Maligayang Huwebes sa lahat!
Ang ibang lahok po pala sa linggong ito ay makikita dito









Ganun yata pag tumatanda. Nacoconscious sa itsura. Nagiging camera shy. Happy Mother’s Day sa kanya!
katuwa naman si lola, mabuhay si MAMA!
Ang cute ni Lola
advance happy birthday kay lola!
hahaha! e ano pa naman nga ba ang pagkakaabalahan ng lola kundi si mr. wowowee!
Katawa naman yung caption mo - fan pala ni Willie si Lola - hahaha!
Masuwerte ka at kapiling niyo pa rin ang inyong lola hanggang ngayon.
Happy Huwebes sa iyo!
nakakatuwa talaga ang mga lola!
magandang huwebes sa’yo!
haha si lola oh!! maka wowowee din pala pareho ng nanay ko, ano bang meron si willie revillame at pati mga matatanda nawiwili? happy huwebes sayo!
naku, mukhang seryoso nga naman sa panonood si lola.. buti hindi nagalit sayo dahil sa pagdidistract sa kanya sa panonood kay wowowee.
naalala ko tuloy ang mga lola ko sa kwento mo
kahit na ano pa mang nakakatawang sitwasyon, mahal na mahal pa rin namin sila. kahit na wala na silang lahat.
Na-miss ko tuloy Lola ko.
In fairness ha..nakakarelate pa Lola mo sa Wowowee. Napapaindak din ba siya kina Luningnig at Milagring
Mabuhay si Mama/Lola!
Kaya ang mga anak ko, nagbabakasyon ngayon sa aking mama, para naman me alaala sila masayang panahon kasama siya at ang aking papa.
Jeanny, nakakatuwa naman ang iyong lola… iba ang epekto sa kanya ng wowowee… at least nakunan mo siya ng candid shot!
Maligayang kaarawan sa iyong lola… ang galing niya at 84 na siya ha!
nyahahaha… ang lola ko ay mag ootsenta na. Kaisaisa kong lola na natitira kaya nga aking pinagpapahalagahan ng husto. Masarap talaga ang may Lola.
ang kulit ng lola mo, bagets! happy nanay’s day sa mga nanay nyo
Ang cute ni lola mo ha ha ha! Buti ka pa may lola pa…ako matagal ng wala. Saka ang ganda ng age ni lola mo!! Happy Mother’s Day sa kanya!!
ang ganda naman ng kuha sa lola mo…
tamang tama tlga sa tema…
parang hindi sya nanood eh parang nag pose tlga sya ng ganun para maganda ang anggulo sa pic…hhehehe…galing!!!
happy huwebes…
Lapit na pala birthday niya… Maligayang araw ng mga ina, at maligayang bati na rin!
Ang aking litrato ay naka-post na rin, daan ka sa aking blog kung ikaw ay may panahon:
Shutter Happy Jenn
Maraming salamat!
madunong din ba sya mag-papaya dance?
gandang LP!
advance happy mother’s day kay lola, ang sweet naman, idol si wowowee! hehe
nakakatuwa ang kwento mo jeanny, superb!!!
naalala ko tuloy ang aking nanay, tawag ko naman sa aking lola.
mabuti’t nagtagumpay ka pa rin sa pagkuha ng litrato ng iyong lola.
happy mother’s day sa kaniya!
Munchkin Mommy
Mapped Memories
that is such a wonderful tribute. you make me want to call my lola in spain, huhuhu. anyhow, happy thursday
wowowee fan pala si lola
alam mo ba, ang lola ko rin mahilig magtanggal ng chinelas kapag nakaupo, lalo na pag nanonood ng tv, hehe.
i like your pic jeanny. parang napaka-sentimental ng dating
Meeya’s Memes: LP Mga Mahal na Ina
Meeya’s Finds: LP Mahal na Ina
napakaswerte mo at hanggang ngayon ay kapiling m pa siya
hangkulet nga lang nyahahahaha pero di ba yang kakulitan nga din na yan ang nagpapangiti sa inyo
happy Lp!
beautiful mommy picture. i think every mommy stories touches my heart.
happy mom’s day to ur mom!
Happy Mommy’s Day to you and to your mom :),great picture too.
Ang tatay ko makulit na rin pero ‘di pa naman ganyan. Nakakatuwa na andyan pa ang lola mo. Ako kasi isa na lang ang naabutan ko di ko pa naging close. Yung natitira kong lola eh tyahin ng tatay ko, nag-iisang kapatid ng nanay nya. She’s turning 94 naman this May 15. Kakatuwa ano?
Buti nga at nakuhanan mo sya. Maganda pa nga lumabas. Galing!
Happy mothers’ day to you, your Mom and your lola
hehe pareho tayong masungit ang lola. inang naman ang tawag namin sa kanya. at 84 na rin yata siya
pero kahit ano talagang kulit nila, ang hirap hindi sila mahalin.
belated happy mom’s day sa kanya! maganda ang kuha mo sa kanya
imbes larawan ng aking inang pinakamamahal ang aking ibabahagi, eto pa ang isang tao na importante sa akin.
http://gimikerangpotograper.blogspirit.com/archive/2008/05/12/to-my-bestfriend-and-her-angel.html
kala ko malungkot si mommy mo. nanonood pala ng wowowee.
hi, jeanny!