jump to navigation

LP#5 Malungkot May 1, 2008

Posted by jeanny in Litratong Pinoy.
trackback

Sa pagpatay ng ilaw at pag lisan ng lugar, katahimikan ang mananatili at kalungkutan ang humihiyaw

Makata yata ako sa linggong ito hehehe…Sa kadahilanang ang tema sa LitratongPinoy ay Malungkot, ito ang naisipan kong isali

Ang larawang nasa taas ay tabiki o pader na nakatapat sa aking cubicle. Oo isang pader ang nasa harapan ko sa buong walong oras sa opisina…Mapakalungkot di ba? Wala kang makausap at wala kang matanaw na iba. Pakiramdam ko ako’y nag iisa lalo na pag oras na ng pananghalian, sa pag patay ng ilaw, tahimik at lalong nagpapatahimik dahil sa pader/tabiki na humaharang sa karamihan. Tanging mga anino na lamang ng pinto ang kasama at kaulayaw. Gayunpaman, mayroon din naman napapadaan sa aking lugar upang ako’y batiin ng magandang araw. Ngunit sa pag usad ng kanilang paa papunta sa pintuan, muli na naman akong mag isa…hay kalungkot talaga.

Hindi bale… may maganda rin naman siyag naidudulot pag ako’y maraming ginagawa, mas marami naman akong natatapos dahil ang payapa at tahimik na tabiking ito ang aking kaulayaw habang ako’y gumagawa.

Mga kaibigan at kasama bagamat ang tema natin ay Malungkot tayo po ay magkaroon ng maligayang Mayo Uno at masayang LP :)

Comments»

1. dyes - May 1, 2008

malungkot ngang mag-isa minsan. Buti na lang me mga ofcm8s kang nagpupunta sa yo ü me window b sa ceiling? Panu mu gnawa to? Maganda ang effects ü

hello…oo tama ka malungkot nga ma isa ;(

wala pog window sa kisame namin s aofc ;)

pinag laruan ko po yung photoshop namin…kaya ayan ang kinalabasan.

masayang lp po

2. rose - May 1, 2008

bakit nga ba malungkot ang nararamdaman kapag nag iisa at lalo pat pag tahimik ang paligid ano?

maganda nga ang effect, parang soft lens..

:) magandang araw sa iyo

salamat rose ;)
gandang araw din sa iyo

3. ettey - May 1, 2008

totoo ngang malungkot pag nag iisa…lalo na kung ganyan ka bare (hubad) ang iyong pader hehehe!! ang ganda ng anggulo ng pagkakakuha mo!

maligayang webes!

maraming salamat…salamat sa aking digicam at nakuhaan ko ng maayos ang lugar na iyan ;)
gandang huwebes din

4. Pinky - May 1, 2008

Hi Jeanny! Kalungkot naman talaga - para kang naka-bartolina! :(

Di bale, sinabi mo nga, okay din naman mag-isa paminsan-minsan at mas marami kang nagagawa (gaya ng mag-isip ng susunod na lahok sa LP - hahaha!).

Magandang Huwebes, kapatid!

Hi Pinky. hahaha oo parang bartolina nga…ayos din naman kasi maganda at malaki ang cube ko kaso nga lang solo ko haha

Happy LP

5. lidie - May 1, 2008

nakakalungkot nga… buti nalang at nakikita mo rin ang kagandahan sa iyong sitwasyon :)
magandang huwebes sa’yo…

salamat ha. Being positive talaga ang dapat sa buhay

have a great day :)

6. odette - May 1, 2008

ang galing ng komposisyon!!!

base sa mga anino na nakikita ko, parang alas tres ng hapon nang kunan mo ng litrato ang malungkot na tabiking ito. ;) tama ba?! o mali? wild guess lang po.

hi dette..hmmmm…medyo malapit ang oras…mga 2pm yan…kagagaling lang namin sa meeting kaya patay pa ang ilaw, ako ang naunang dumating kaya I took chance to take a shot ;)

7. Linnor - May 1, 2008

kahit malungkot ang tema ng litrato mo, sana masaya ka sa araw na ito… maligayang araw ng mayo uno!

yup sis…ako ay masaya kasi holiday ngayon dito at relax galore ako…hehehe

maligayang LP

8. Lizeth - May 1, 2008

nakakalungkot nga..ngunit kung nakakatulong ito sa pagiging productive mo..magaling :)

happy thursday!

Yup..ako’y productive nga yun nga lang walang dapat tatambay sa pwesto kong ibang empleyado :)

9. lino - May 1, 2008

maganda ang anggulo mo… magandang araw ng huwebes…

salamat po. Salamat sa pag daan at hanngang sa susunod na huwebes ;)

10. Buge - May 1, 2008

Malungkot nga ngunit kung papansinin mo ang mga ilaw na galing sa labas ay parang inaaya ka nitong lumabas at magsaya! :)

Maligayang Huwebes!

sabi mo pa…lagi kong gusto maging alas 6 na at makapag malling kahit window shopping nalulunasan na ang aking kalungkutan…hehehe

gandang LP

11. jennyL - May 1, 2008

paminsan minsan ay sumilip ka sa ibang ka opisina mo para d ka malungkot, hirap ngang walgn kausap.. pero tama ka mas marami kang magagawa pag mag isa at walang istorbo.

tumpak…marami ngang magagawa pag wlang istorbo hehehe….magandang araw

12. Arvin - May 1, 2008

Buti ako may YM, hehehe:) ok na rin kahit papano.

wuahhh….yung sa amin me ym nga kaso madalas nga maputol…tapos yung internet, maraming site ang block…lalo yata ko nalungkot huhuhu

13. G_mirage - May 1, 2008

Ang galing ng anggulo nito! At ang DoF ay ngbibigay nga ng malungkot na damdamin sa tumitingin!

Pwede mo bang iikot ang mesa para may kaharap ka? :D MAligayang LP!

Maraming salamat kapatid ;)

naku hidi ko pwede i-ikot ang mesa dahil ito ay naka fix hay… at mejo mataas ang aking cube kaya kelangan kong mamasyal sa ibang cube para magkaroon ng kausap :)

14. teys - May 1, 2008

bukod sa malungkot, nakakabato pa :) buti na lang may imahinasyon at matang nakakakita ng kagandahan sa isang bagay na sa unang tingin ay wala…

magandang lp!

15. Iris - May 1, 2008

malungkot pag magisa sa office, pero minsan mas gusto ko magkulong sa room pag maraming ginagawa! hehe. may tip ako sayo. mag-download ka ng mga games sa computer mo para masaya pag lunch time at patay na ang mga ilaw. hehe,

16. iska - May 1, 2008

pareho pala tayo na tungkol sa pag-iisa ang malungkot na LP5…

17. sardonicnell - May 1, 2008

it is sad, but we have to remember that sometimes; solitude brings out the best in us. dba?

18. Thess - May 1, 2008

bilib ako sa iyo kasi kung pader ang kaharap ko sa araw-araw, hindi ako tatagal :(

ang ganda ng composition ng shot!

Happy LP =)

19. christine - May 1, 2008

alam mo ako pag may project gusto ko tahimik at walang distraction. yun nga lang wag naman na matagal na ganon. :(

siguro mag ipod or mp3 ka para ka maaliw.

magandang huwebes!

My LP Entry

20. Girlie - May 1, 2008

malungkot nga talaga kung ikaw ay nag iisa, pero tama ka mas madaming matatapos kung walang istorbo

21. alpha - May 1, 2008

naku ang lungkot naman ng pwesto mo :(

22. star - May 1, 2008

malungkot nga.. pero gaya ni tin,meron din akong araw na gusto ko magtrabaho sa ganyang lugar.. wag nga lang permanente :)

23. julie - May 1, 2008

Ahh,mas gusto ko yata yan. Dun sa isa kong pinapasukan 3x/linggo, maingay kapag araw ng Lunes at Miiyerkules. Maraming batang nag-iiyakan, at ang aking mga tinuturuan ay nabubugnot, pati na din ako. Siyempre wala kami magawa, tiis, tiis, tiis na lang sa ingay.

Balik ulit sa trabaho bukas ;) Ingat.

24. Leap of Faith! - May 1, 2008

Akala ko ng una ay ito ay isang kulungan… sabagay minsan nga siguro ganyan ang pakiramdam mo kapag ikaw ay magisa. Di bale, isipin mo na lang at least may trabaho ka… yung iba wala… mas nakakalungkot iyon.

25. Meeya - May 2, 2008

hi jeanny, ang trabaho talaga, kahit kumikita ka ng pera, minsan para kang bilanggo. tapos pag ganito pa yung surroundings mo, paano ka mgiging inspired magtrabaho hehe.

pero ayos yung ginawa mong nilagyan mo ng liwanag yung sa may pintuan, parang nagsasabi na pagkatapos ng pagpapa-alipin sa buong araw, pwede nang mag-relax pagkatapos. :)

MyMemes: LP Malungkot
MyFinds: LP Malungkot

26. toni - May 2, 2008

malungkot nga! o kapag ika’y nalulungkot, mag-YM ka lang at tayo’y magchat!

27. haze - May 2, 2008

may pagka-scary looking ang kuha mo. pero in essence oo nga medyo malungkot nga ang dating lalo na kung mag isa ka.

happy LP!

28. mousey - May 2, 2008

sumigaw ka na lang heheh..

type ko yan tahimik at nag iisa.

29. Grey - May 3, 2008

ui pag pagtapos mananghalian pede din samantalahin ang pag-iisa upang umidlip ng saglit.. tamang tama nakapatay pa ang mga ilaw.. hehe.. :)

30. Kaje - May 4, 2008

ang galing ng pagkakakuha, ganda ng mga anino…