LP#4 Hugis ay Pahaba April 24, 2008
Posted by jeanny in Litratong Pinoy.trackback

Nang nakaraang linggo, binahagi ko sa inyo ang isang silid ng tanggapang aking pinapasukan, ngayong naman nais kong ibahagi sa inyo ang anyo ng gusaling ito bilang lahok sa ika-4 na Litratong Pinoy na may temang Hugis ay Pahaba.
Ito ang mukha o harapan (facade) ng opisinang aking nabanggit. Ang harapan ng gusali ay me desenyong pahaba na kung saan ikinasa ang mga salaming hugis pahaba din. Hindi gaanong kagandahan ang istraktura, dahil ito ay me kalumaan, kaya naman murang nabili ni Misis ito.
Nang nakaraan taon, buwan ng Setyembre lamang kami lumipat sa nabanggit na gusali. May mga kwento kwento mula sa kalapit na establisyemento na mayroon daw nagpapakita dito. Hmmmm….nakakapangilabot nga kung seseryosohing isipin pero sa aking palagay, kaya lamang nila nasabi iyon dahil matagal na ring walang umuokopa dito at ito ay dating maliit na ospital. Ang mga haka-hakang ganyan ay normal lamang na binabanggit sa kahit sinong bagong lipat, hindi ba?. Ako ay 7 buwan na naglalagi sa gusaling iyan ngunit wala pa naman akong nakikita at wala akong balak makita sila, hehehe.
Maligayang Huwebes sa lahat










naku! nananakot pa sila! hahaha!!! isang masayang Huwebes sa iyo.
maganda ha…pero bakit kelangan pang magtakutan ano?
hehehe
gandang huwebes!!
Mukha naman walang nagpapakita dyan. Tignan mo sa likod mo pag gabi, wala
Magandang Huwebes sa iyo.
Baka pagsapit ng alas dose ng hatinggabi lang nagpapakita? LD
Jeanny, yung entry ko, kitang-kita, promise!
Maligayang Huwebes!
Isang magandang perspektibo ang pagkuha mo rito…napakdaming pahabang bintana! At gusto ko ang repleksyon ng ulap sa salamin…
maganda ang iyong kuha!
pati ang repleksyon ng mga ulap sa salamin
happy thursday!
ang ganda ng iyong parihaba! nakakatakot nga lamang ang iyong kwento… haha!
magandang huwebes sa’yo!
ayos ang kuha mo ah. may ulap at may repleksyon pa sa salamin…
mukhang bago ang gusali… di halatang dati syang ospital.
sang-ayon ako sa kagandahan ng kuha mo! parang isang malaking bakod lang na may mga bakal na rehas sa gitna, at nakikita ang mga ulap sa gitna ng “gaps”. hehe. paumanhin. pa-translate na lang po.
ganda! parang see through yung building dahil sa reflection ng clouds
ayos itong kuha mo. ang ganda ng reflection ng mga ulap sa salamin
hangang-hanga ako sa iyong kuha! napakaganda
Isa ito sa mga kuhang gusto kong masubukan! Ang galing ng reflection ng ulap!
Maligayang Huwebes!
hindi nyo ba nakita ang nakikita ko sa repleksyon ng ulap? jok jok jok…
magandang gusali at magandang larawan!
Mukhang mataas nga ang gusali na iyan! Maganda ang iyong pagkakakuha… na-reflect pa yung kalangitan!
Maligayang Huwebes!
maganda ang pagkakakuha mo sa building.. gusto ko ang reflection ng mga ulap sa salamin at maganda ang pagkakulay asul. have a nice day!
http://biancaelyse-mylife.blogspot.com/2008/04/lp-4-hugis-ay-pahaba.html
maganda pati ang reflection ng mga ulap.
jeanny, ang ganda ng kuha mo!
ang galing ng reflection ng mga ulap sa facade. bravo!
maligayang huwebes!
MyMemes: LP Pahaba
MyFinds: LP Pahaba
Buti na lang at hindi mo pa nakikita ang mga mumu. Tama sila, ang ganda nga ng mga ulap.
jeanny, sa palagay ko’y may inner arkitekto ka ring gustong lumabas…sahig kasi nung isang linggo tapos mga bintana naman ngayon. hee hee! naku, ayaw kong titigan ang mga bintana at baka nga me mumu. awooo!
Mga Pahaba sa Dallas
Mga Pahaba sa Houston
ganun? kailangan pa ng kwentong nakakatakot? hehe san ba yang office mo?
happy LP!
tumingin na lang sila palangit sa mga nag gagandahang ulap, mas magandang hamak kaysa sa mumu di ba?
maligayang LP!
napakaganda naman ng pagkuha mo!
waahhh that’s a scary story. but the building looks nice. just pray and nothing scary will happen to anyone.
saang building ‘to, jeanny?
ang ganda naman ng repleksyon ng ulap sa gusali ninyo. sana wala ngang moomoo dyan. hehehe.
magandang araw!
Jeanny nakakatakuts naman un kwento mumu.. hehe.. kung totoo nga.. kasi matatakutin ako. hehe.. san bldg yan?
ang ganda naman ng kuha mo kasi un mga ulap ay buhay na buhay! maligayang LP!
magaling jeanny!
nice shot. happy weekend!
Ganda naman ng facade ng gusali niyo - huwag naman sanang totoo ang mga balitang multo diyan!
uy ayos ang kuha mo ah..! kaya lang me mumu? pero sabi nga, pag di daw natatakot at naniniwala, hinde daw pakikitaan..
happy weekend
i wonder about the mumu part, trulyly kaya yon? hmmmm…