LP#3 Apat na Kanto April 17, 2008
Posted by jeanny in Litratong Pinoy.trackback

Ang larawang nasa itaas ay kuha sa aming departamento sa opisina. Isang araw na ako’y naapaga ng pasok at wala pang ibang ka-opisina na dumating, napag isipan kong kuhaan ng isang litrato ang mga pansahig na baldosa (floor tiles). Ito ang aking lahok para sa LP sa ikatlong Linggo na may temang “4 na kanto.” . Ang isang baldosa ay sadyang me apat na kanto, datapwat mayroon din namang ibang desenyo na kakaiba ang hugis, ngunit ang ginamit sa aming suelo o sahig (floor) ay yung mga ordinaryong hugis na parisukat. Ang mga baldosang pinagkabit ay may apat na kanto hindi ba ?
Kung makikita nyo lamang ang kabuuan ng aming opisina, alam ko hindi nyo mawawari kung kayo ay mamamangha o matatawa dahil, iba’t ibang kulay at kombinasyon ang ginamit. Ipagpatawag nyo po lamang dahil nakaligtaan ko kunan ng larawan ang buong lugar ng aming tanggapan. Sa akin palagay (at sa palagay rin ng iba kong ka departameto) medyo labis ang naisip na desenyo ni Misis, may-ari ng gusali at ingat-yaman na rin ng tanggapan na aking pinapasukan . Ito raw ay gawang sining. O sige pagbigyan na… sabagay sa kanya naman ang gusali at kami ay mga empleyado nya. Kaya heto sa tuwituwina pag kami ay naiinip dito sa opisina, sulyapan lang naming ang mga baldosang ito kami ay napapangiti na.










Maganda po ang inyong sahig…
talaga naman jeanny, kahanga-hanga ang pananagalog mo hehe.. sakto entri mo
ang kintab ng sahig niyo. magaling ang ideya mo para sa tema.
alam mo bang dapat ay yung tiles naman dito sa kusina ko ang kukuhanan ko ng litrato, kaya lang hindi pa ako nakakakapag-bunot at medyo madumi, hahaha! so, scratch that!
nice entry, jeanny!
MyMemes: LP Parisukat
MyFinds: LP Parisukat
salamat po sa pagbahagi ng kaalamang “pansahig na baldosa”. ngayon ko lang po nalaman na yun pala ang tawag sa floor tiles, sapagkat ako’y ilongga at ang tawag namin ay “tiles” pa rin.
haha, dapat pala ay magpapasalamat talaga kayo sa may-ari ng gusali, dahil kahit sa maliit na paraan… at iyon ay ang pagdidisenyo ng inyong sahig, ay nakapagbibigay kasiyahan siya sa inyo.
=) Hanggang sa muli!
kakaibang perspecto sa pagkuha ang naisipan mo.. sinong mag aakalang pwede ang tiles , pero infairness, square nga sya ,,.. creative mind
salamat sa dalaw..
Ang galing mo naman managalog! Yung ibang salitang gamit mo, ngayon ko palang ata narinig! LOL!
Ganda ng kuha mo. Buti walang nagtaka kung bakit nakadapa ka sa sahig para kunan ito.
ang pagkuha pala ng ganitong larawan ay isang magandang paraan upang malaman kung ang sahig ay nalinisang mabuti. hahaha!
huwag mong sabihing ika’y talagang sumalampak sa sahig para sa larawang ito! di nga ba?
wow, ang kintab at ang linis naman ng sahig ninyo!
parang nakaupo ka pa sa sahig ng kunan mo ito, galing!
ingat =)
kintab ng sahig ah….
napaka-simpleng bagay ngunit napaka-ganda ng iyong pag-kuha!
magandang araw sa’yo!
sige iimadyinin ko na lang kung ano itsura ng sahig na iba iba ang tiles.
happy weekend!
anlalalim ng tagalog mo: pansahig na baldosa (floor tiles).. hehe..
salamat sa pagbahagi ng litrato.
hanggang sa susunod na huwebes!
meron ako natutunan today, yung tagalog ng floor tiles, yay!
nice shot! have a nice day!
wow… ang kintab! nakahiga ka ba sa sahig ng kinunan ito?
Hi Jeanny! Naintriga tuloy ako sa hitsura ng opisina mo - “kodakan” mo naman sa susunod para makita - hehehe!
Agree ako sa komento ng asawa kong si Leap of Faith - bilib ako sa anggulo ng pagkakakuha mo ha.
Pasensya na at medyo nahuli ako ng daan ngayong linggo. Ingat!
ah, baldosa pala ang floor tiles
ang galing naman ng pagkakakuha mo
Baldosa, ngayon ko lang nalaman yan, napatigil pa ako at nagmuni-muni kung narinig ko na ba yan