LP#3 Apat na Kanto

sahig

Ang larawang nasa itaas ay kuha sa aming departamento sa opisina. Isang araw na ako’y naapaga ng pasok at wala pang ibang ka-opisina na dumating, napag isipan kong kuhaan ng isang litrato ang mga pansahig na baldosa (floor tiles). Ito ang aking lahok para sa LP sa ikatlong Linggo na may temang “4 na kanto.” . Ang isang baldosa ay sadyang me apat na kanto, datapwat mayroon din namang ibang desenyo na kakaiba ang hugis, ngunit ang ginamit sa aming suelo o sahig (floor) ay yung mga ordinaryong hugis na parisukat. Ang mga baldosang pinagkabit ay may apat na kanto hindi ba ? ;)

Kung makikita nyo lamang ang kabuuan ng aming opisina, alam ko hindi nyo mawawari kung kayo ay mamamangha o matatawa dahil, iba’t ibang kulay at kombinasyon ang ginamit. Ipagpatawag nyo po lamang dahil nakaligtaan ko kunan ng larawan ang buong lugar ng aming tanggapan. Sa akin palagay (at sa palagay rin ng iba kong ka departameto) medyo labis ang naisip na desenyo ni Misis, may-ari ng gusali at ingat-yaman na rin ng tanggapan na aking pinapasukan . Ito raw ay gawang sining. O sige pagbigyan na… sabagay sa kanya naman ang gusali at kami ay mga empleyado nya. Kaya heto sa tuwituwina pag kami ay naiinip dito sa opisina, sulyapan lang naming ang mga baldosang ito kami ay napapangiti na.

Advertisement

21 Responses to LP#3 Apat na Kanto

  1. gwenannwilson

    If you follow the steps for laying floor tiles correctly, the job will be finished in no time and before you know you will have a brand new floor.
    Are you looking for gorgeous tiles? Visit us at Tiles Adelaide and get a wide array of tiles for your home.

  2. Baldosa, ngayon ko lang nalaman yan, napatigil pa ako at nagmuni-muni kung narinig ko na ba yan :)

  3. ah, baldosa pala ang floor tiles :)

    ang galing naman ng pagkakakuha mo :)

  4. Hi Jeanny! Naintriga tuloy ako sa hitsura ng opisina mo – “kodakan” mo naman sa susunod para makita – hehehe! :)

    Agree ako sa komento ng asawa kong si Leap of Faith – bilib ako sa anggulo ng pagkakakuha mo ha.

    Pasensya na at medyo nahuli ako ng daan ngayong linggo. Ingat!

    hahaha ganun ba…ok sige I’ll do that promise :)

  5. Leap of Faith!

    wow… ang kintab! nakahiga ka ba sa sahig ng kinunan ito?


    nakadapa po…hehehe…have a great day

  6. nice shot! have a nice day! :)


    thanks sis…have a great weekend :)

  7. meron ako natutunan today, yung tagalog ng floor tiles, yay!

    hahaha..talaga… sa huwebes ulit:)

  8. anlalalim ng tagalog mo: pansahig na baldosa (floor tiles).. hehe.. :) salamat sa pagbahagi ng litrato. :) hanggang sa susunod na huwebes!

  9. sige iimadyinin ko na lang kung ano itsura ng sahig na iba iba ang tiles. :D happy weekend!

  10. napaka-simpleng bagay ngunit napaka-ganda ng iyong pag-kuha!
    magandang araw sa’yo!

    salamat po…hanggang sa muli :)

  11. kintab ng sahig ah…. :)

    hehehe… i owe it to ate G :)

  12. wow, ang kintab at ang linis naman ng sahig ninyo!

    parang nakaupo ka pa sa sahig ng kunan mo ito, galing!

    ingat =)


    oo kakalinis lang ng aming janitress kasi dyan…medyo nakadapa ako sa sahig ng kinunan ko yan:)

  13. ang pagkuha pala ng ganitong larawan ay isang magandang paraan upang malaman kung ang sahig ay nalinisang mabuti. hahaha! :) huwag mong sabihing ika’y talagang sumalampak sa sahig para sa larawang ito! di nga ba? :D

    hahaha….oo nga noh…makikita na malinis ang sahig pag ganito ang kuha…at oo sumalampak nga ko sa sahig para sa anggulong ito :)
    sa huwebes ulit :)

  14. Ang galing mo naman managalog! Yung ibang salitang gamit mo, ngayon ko palang ata narinig! LOL!
    Ganda ng kuha mo. Buti walang nagtaka kung bakit nakadapa ka sa sahig para kunan ito.

    salamat…buti na lang me online english tagalog dictionary. :) inagahan ko talga para walang makakita na nakadapa ako sa sahig habang kinukunan ko ang mga tiles…

  15. kakaibang perspecto sa pagkuha ang naisipan mo.. sinong mag aakalang pwede ang tiles , pero infairness, square nga sya ,,.. creative mind
    salamat sa dalaw..

    salamat din sa pagdaan…hang sa susunod na huwebes :)

  16. haha, dapat pala ay magpapasalamat talaga kayo sa may-ari ng gusali, dahil kahit sa maliit na paraan… at iyon ay ang pagdidisenyo ng inyong sahig, ay nakapagbibigay kasiyahan siya sa inyo.

    =) Hanggang sa muli!

    oo nga noh…me point dyan hehehe..

  17. salamat po sa pagbahagi ng kaalamang “pansahig na baldosa”. ngayon ko lang po nalaman na yun pala ang tawag sa floor tiles, sapagkat ako’y ilongga at ang tawag namin ay “tiles” pa rin. ;)

    aha…ilongga ka pla..kaya pla I find you sweet :) salamat sa pagdaan ha..at so glad you’ve learn some tagalog terms :)

  18. alam mo bang dapat ay yung tiles naman dito sa kusina ko ang kukuhanan ko ng litrato, kaya lang hindi pa ako nakakakapag-bunot at medyo madumi, hahaha! so, scratch that!

    nice entry, jeanny!

    MyMemes: LP Parisukat
    MyFinds: LP Parisukat

    naks sipag talaga..imagine dami mong blog na inaasikaso..me cute ka pang baby then me papa allan ka pang inaasikaso tas..balak mo pa magbunot sana…superwoman ka talga…idol!!!

  19. ang kintab ng sahig niyo. magaling ang ideya mo para sa tema.

    bago kasi ako dumating…nalinis na ni ate G (janitress) ang aming opisina..kaya ayan pede na akong magsalamin sa kintab :)

  20. talaga naman jeanny, kahanga-hanga ang pananagalog mo hehe.. sakto entri mo

    hello kapatid…salamat salamat…mabuhay ka ;)

  21. Maganda po ang inyong sahig…

    salamat po…salamat sa pag daan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

Gravatar
WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s