jump to navigation

LP#2: tatlo ang sulok ko April 10, 2008

Posted by jeanny in Litratong Pinoy.
trackback

Huwebes na naman. Nagtipon tipon na naman ang mga litratista sa LP, upang ipamalas ang kanikanilang napiling konsepto para sa linggong ito na mayroong temang tatlo ang sulok ko.

and moog

    Moog ng kapilya

Ang larawang ito ay kuha ko mula sa bakuran ng aking mga magulang. Ito ang moog para sa batingaw (bell tower). Sa kasalukuyan, inaayos ito. Noon kasi ito ay gawa sa kahoy lamang ngunit ngayon, ito ay yari na sa bato, mas matibay ngayon. Ipagpaumanhin ninyo kung hindi ko siya nakuhaan ng magandang anggulo. Ngunit kita pa rin naman yung tatlong sulok na kinalalagyan ng krus.

Ngayon po kung nais ninyong sumali, i-klik nyo lang yung buton sa gawing kanan upang dalhin kayo sa site ng LP.

Magandang Huwebes sa lahat. ;)

Comments»

1. julie - April 10, 2008

Magiging maganda siguro iyan at matibay. Tumutunog ba ang batingaw sa ilang bahagi ng isang araw?

Ang aking mahabang kwento ukol sa tatsulok:
Tatsulok


Hi Julie. Napadaan na ko sa tatsulok mo. Nadala nga ko sa salaysay mo eh. Parang naghimagsik ang aking kamalayang pilipino, hehehe

mabuhay ang mga aktibista..este…ang LP pla…

2. Girlie - April 10, 2008

kitang kita pa rin kahit na sinasabi mo na di halata sa angle kung san ka nakapwesto. sang simbahan yan?

maliit na kapilya lang yan dito na medyo tapat sa bahay ng mga parent ko. Maligayang LP mommy girlie

3. Pinky - April 10, 2008

Wow! May batingaw kayo na kita mula sa bakuran?

Siguro hindi nahuhuli sa misa ang mga magulang mo ano? ;)

Magandang Huwebes sa iyo!

Gandang araw Pinky. Aktually hindi sila dyan nagsisimba. Catholic chapel kasi iyan at kami ay sa christian fellowhip nagsisimba.

4. tin - April 10, 2008

ang lalim ng tagalog mo jeanny, moog. :) madaming simbahan ang lahok ngayong huwebes! :)

hello sis.
Tama ka maraming simbahan ang lahok at maraming bubonga din hehehe. YUn tagalog ko, mwehehehe, I checked the tagalog-english dict online :)

5. lino - April 10, 2008

magandang araw ng huwebes… nawa’y umalingawngaw siya ng malayo…. :)

magandang huwebes din at salamat sa pag daan :)….maligayang LP sa iyo

6. rose - April 10, 2008

kitang kita nga ang pagkatatsulok.. kahit sang angulo mo kunan,. :) magandang araw ng huwebes

Salamat rose. at salamat sa pag dalaw.

7. Ambo - April 10, 2008

Nice entry. Word of the day, “Batingaw”. dami kong natututunan mula sa inyong lahat.

Mabuhay ka kaibigan!

ambothology.com

hehehe…word of the day nga…cge dalasan mo pag daan dito tuwing huwebes at marami kang tagalog na malilirip. Salamat sa pag daan

8. Leap of Faith! - April 10, 2008

nakakatuwa naman at ang inyong batingaw ay pinalitan na ng bato… siguradong matibay at mas magtatagal ito. hindi pa nagigising ang iyong mga magulang kapag kumakalampag na ang kampana?

oo nga…magiging matibay sya. hay tuwing me okasyon, ang batingaw ay pinapatunog ng madaling araw kaya madalas sila magising mg madaling araw. pero wla sila magagawa ganun talga…hehehhe

salamat sa pag daan.

9. lidie - April 10, 2008

napaka-importante ng iyong tatsulok sa nakaraan… isa itong instrumento sa pagpapahayag ng mga kaganapan sa isang bayan o lunsod!
magandang huwebes sa’yo!


tama ka. magandang huwebes sa iyo at maligayang LP

10. alpha - April 10, 2008

ang galing jeanny.. alam mo dapat may ganito din ako entry e, kaso dami ko na entry this week kaya di ko na sinama :D


hello kapatid. may entry ka na…daanan ko nga…salamat sa pag daan ha…

11. Kaje - April 10, 2008

natutuwa ako sa mga parokyang mas pinipiling i-preserve ang kanilang simbahan…ganda ng kuha!


salamat!!!salamat din sa pag daan…tama nga ginawa nila to preserve it di ba ;)

12. bluep - April 10, 2008

akalain mo kahit sa bakuran ay may nakukuha tayo na larawan. basta matalas ang mata tiyak pasok sa banga! napakasaya ng pagkuha ng larawan.

maligayang huwebes

hahaha…gandang gawing qoute ang sinabi mo…”basta matalas ang mata tiyak pasok sa banga” (o quote na talaga siya, hehehe) . Tama ka rin, masaya ang kumuha ng larawan…. :)

salamat sa pag daan. maligayang LP sa iyo

13. Thesserie - April 10, 2008

Ang gandang tanawin naman mula sa bakurang ng magulang mo. Mabuti at ginawa nilang bato at pinagtibay pa!

Isang maligayang Huwebes sa iyo! :)

Tama ka there…maganda nga…mas lalo sigurong gaganda pag naayos na. Maligayang huwebes sa iyo:)

14. Lynn - April 10, 2008

Actually maganda ang kuha. Para ngang may blurry effect pa sa ilalim. Magandang Huwebes din! :)

Salamat po…kita kits ulit sa huwebes

15. Buge - April 11, 2008

Ngayon ko lang nalaman na ang bell tower pala sa Tagalog ay batingaw. Maraming salamat sa impormasyon! Maligayang Huwebes! :)

yung batingaw is bell, yung moog is tower…kaya moog ng batingaw, hehehehe..hirap noh. maraming salamat sa pag daan ;)

16. nina - April 11, 2008

grabe, ang lalim nung moog - hindi ko naarok buti na lang may translation, hahahhahaha. Pero yong batingaw alam ko yon ;)

hahaha…buti na lang me tagalog english online dictionary….salamat sa pag daan :)

17. Grey - April 11, 2008

Parang antaas ng tower na yan, kita ang mga ulap! :) Sa itsura nya ay parang madami na ngang pinagdaanan ang tower na yan. Tanda ng katatagan sa nagdaang panahon.

mababa labg po yun..mukha lang mataas…heheheh. salamat sa pag daan

18. sardonic nell - April 11, 2008

this photo reminds me that i should get up early this sunday and attend mass, i haven’t done that in a while kasi. hehehe ;)

glad this pic became an intsrument. Thanks for the bloghop. See you again :)

19. Lizeth - April 11, 2008

natuwa din ako sa salitang ‘batingaw’.. :) nakalimutan ko na yan e.

oh my..sardonic nell at jeanny..salamat nga sa reminder! *sigh*

salamat sa pagdalaw…hanggang sa muling LP

20. munchkinmommy - April 11, 2008

ako ay masugid na tagahanga ng mga lumang simbahan. :) gustung-gusto ko kasi ang mga gusaling may history. :) ang ganda ng iyong entry. mabuhay! :D

Mapped Memories
Munchkin Mommy

maraming salamat at naibigan mo ito…hanggang sa muli ;)

21. star - April 11, 2008

moog sa batingaw.. grabe, nalunod ako :) salamat, may bago akong natutunang mga salita dahil sayo.

hehehe…maraming salamt Star. hanggang sa muli

22. Dragon Lady - April 11, 2008

kitang-kita ang tatsulok sa iyong lahok! ayos naman po ang anggulo. :) at ang iyong mga salita upang mailarawan ito, hanep sa lalim! bow po ako. :D

maaari mo ring bisitahin ang aking kontribusyon. ;)

maraming salamat…hehehe ayos pla ko managalog… ;)

ewan ko ba dangan kasi nung bata ako mahilig ako sumali sa talumpati sa aming araling Pilipino ;)

23. komski - April 11, 2008

Sa bakuran niyo yan? hehe. Para kasing sa isang simbahan:) Hmmm, siguro yan ang mga alarm clock nuong araw, hehehe.

UU kuha mula sa bakuran namin yan. medyo tapat ng bahay ng parents ko. maliit na kapilya lang yan mukha lang malaki sa piktyur ;)

24. Pillow - April 12, 2008

Gandang litrato! Nice shot! :) Cool din mga salitang moog at batingaw ;) Happy weekend!

25. cathy - April 13, 2008

Bagong sali lang ako sa Litratong Pinoy…

Ang gandang tignan ang lumang istruktura na tumatakip sa maaliwalas na kalangitan. =)

26. Meeya - April 15, 2008

jeanny, grabe ka sa pananagalog, haha! love ko yung pic, napaka-serene ng dating. :) *muah*

MyMemes: LP Tatsulok
MyFinds: LP Tatsulok