LP#2: tatlo ang sulok ko April 10, 2008
Posted by jeanny in Litratong Pinoy.trackback
Huwebes na naman. Nagtipon tipon na naman ang mga litratista sa LP, upang ipamalas ang kanikanilang napiling konsepto para sa linggong ito na mayroong temang tatlo ang sulok ko.

-
Moog ng kapilya
Ang larawang ito ay kuha ko mula sa bakuran ng aking mga magulang. Ito ang moog para sa batingaw (bell tower). Sa kasalukuyan, inaayos ito. Noon kasi ito ay gawa sa kahoy lamang ngunit ngayon, ito ay yari na sa bato, mas matibay ngayon. Ipagpaumanhin ninyo kung hindi ko siya nakuhaan ng magandang anggulo. Ngunit kita pa rin naman yung tatlong sulok na kinalalagyan ng krus.
Ngayon po kung nais ninyong sumali, i-klik nyo lang yung buton sa gawing kanan upang dalhin kayo sa site ng LP.
Magandang Huwebes sa lahat.









Magiging maganda siguro iyan at matibay. Tumutunog ba ang batingaw sa ilang bahagi ng isang araw?
Ang aking mahabang kwento ukol sa tatsulok:
Tatsulok
mabuhay ang mga aktibista..este…ang LP pla…
kitang kita pa rin kahit na sinasabi mo na di halata sa angle kung san ka nakapwesto. sang simbahan yan?
Wow! May batingaw kayo na kita mula sa bakuran?
Siguro hindi nahuhuli sa misa ang mga magulang mo ano?
Magandang Huwebes sa iyo!
ang lalim ng tagalog mo jeanny, moog.
madaming simbahan ang lahok ngayong huwebes!
magandang araw ng huwebes… nawa’y umalingawngaw siya ng malayo….
kitang kita nga ang pagkatatsulok.. kahit sang angulo mo kunan,.
magandang araw ng huwebes
Nice entry. Word of the day, “Batingaw”. dami kong natututunan mula sa inyong lahat.
Mabuhay ka kaibigan!
ambothology.com
nakakatuwa naman at ang inyong batingaw ay pinalitan na ng bato… siguradong matibay at mas magtatagal ito. hindi pa nagigising ang iyong mga magulang kapag kumakalampag na ang kampana?
napaka-importante ng iyong tatsulok sa nakaraan… isa itong instrumento sa pagpapahayag ng mga kaganapan sa isang bayan o lunsod!
magandang huwebes sa’yo!
ang galing jeanny.. alam mo dapat may ganito din ako entry e, kaso dami ko na entry this week kaya di ko na sinama
natutuwa ako sa mga parokyang mas pinipiling i-preserve ang kanilang simbahan…ganda ng kuha!
akalain mo kahit sa bakuran ay may nakukuha tayo na larawan. basta matalas ang mata tiyak pasok sa banga! napakasaya ng pagkuha ng larawan.
maligayang huwebes
Ang gandang tanawin naman mula sa bakurang ng magulang mo. Mabuti at ginawa nilang bato at pinagtibay pa!
Isang maligayang Huwebes sa iyo!
Actually maganda ang kuha. Para ngang may blurry effect pa sa ilalim. Magandang Huwebes din!
Ngayon ko lang nalaman na ang bell tower pala sa Tagalog ay batingaw. Maraming salamat sa impormasyon! Maligayang Huwebes!
grabe, ang lalim nung moog - hindi ko naarok buti na lang may translation, hahahhahaha. Pero yong batingaw alam ko yon
Parang antaas ng tower na yan, kita ang mga ulap!
Sa itsura nya ay parang madami na ngang pinagdaanan ang tower na yan. Tanda ng katatagan sa nagdaang panahon.
this photo reminds me that i should get up early this sunday and attend mass, i haven’t done that in a while kasi. hehehe
natuwa din ako sa salitang ‘batingaw’..
nakalimutan ko na yan e.
oh my..sardonic nell at jeanny..salamat nga sa reminder! *sigh*
ako ay masugid na tagahanga ng mga lumang simbahan.
gustung-gusto ko kasi ang mga gusaling may history.
ang ganda ng iyong entry. mabuhay!
Mapped Memories
Munchkin Mommy
moog sa batingaw.. grabe, nalunod ako
salamat, may bago akong natutunang mga salita dahil sayo.
kitang-kita ang tatsulok sa iyong lahok! ayos naman po ang anggulo.
at ang iyong mga salita upang mailarawan ito, hanep sa lalim! bow po ako.
maaari mo ring bisitahin ang aking kontribusyon.
Sa bakuran niyo yan? hehe. Para kasing sa isang simbahan
Hmmm, siguro yan ang mga alarm clock nuong araw, hehehe.
Gandang litrato! Nice shot!
Cool din mga salitang moog at batingaw
Happy weekend!
Bagong sali lang ako sa Litratong Pinoy…
Ang gandang tignan ang lumang istruktura na tumatakip sa maaliwalas na kalangitan. =)
jeanny, grabe ka sa pananagalog, haha! love ko yung pic, napaka-serene ng dating.
*muah*
MyMemes: LP Tatsulok
MyFinds: LP Tatsulok