Ako ay bilog (at sepia) April 3, 2008
Posted by jeanny in Litratong Pinoy.trackback
Ako’y tumatakbo ng mabilis upang maihabol itong entry ko para sa L.P #1. Huli na ba ko??? Malapit na!!!!
Dahil naiwan ko ang aking kamera, nagmamadali akong umuwi galing sa aming tanggapan (lalim noh?) para makahanap ng kahit anong bilog sa aming tahanan. Ngunit bago ako makarating, marami akong nakitang mga bilog na bagay gaya ng isang magandang ilaw pang trapiko o kaya yung mga nakapaskil na lathala na hugis bilog. Ako’y nanghinayang…sayang. Kakainis di ba. Kung dala ko lang ang aking kamera tiyak nakuhaan ko na yun ng larawan. Pag dating ko sa aming tahanan, kagyat akong naghanap ng bilog. Inabot ako ng ilang oras din para makahanap ng bilog. Kaya heto, sumakit ang katawan ko dahil tinaob ko ang buong sambahayan.
…at sa aking paghahanap eto ang nakuhaan ko ng larawan

Ngayon kung kayo ay mahilig mag kodak dali at makilahok na dito










mabuhay jeanny!
ang ganda ng reflection ng cd.
nakakahinayang nga pag walang camera lalo na sa ating mga bloggers ano?!
hee hee!
maligayang huwebes sa iyo at salamat sa pagdalaw sa aking site.
Munchkin Mommy
Mapped Memories
hahaha, nakakatawa naman jeanny! ramdam na ramdam ko ang iyong panghihinayang, panic, pati na rin ang pagod sa paghahanap ng mali-litratuhan.
huli man at magaling, naihahabol pa rin.
maligayang huwebes!
*muah*
Ay! natawa ako sa iyong kwento na itinaob mo na buong sambahayan makahanap lang ng bilog, ako din ay nahirapan maghanap ng gusto kong bilog para kunan ng larawan. Pero ang ganda ng sepia ng CDs, pramis
ako naman, makalimutan ko na bitbitin asawa ko, huwag lang ang camera ko *lol!
maayong Huwebes sa iyo!
Curious ako… ano kaya laman ng mga cd na yan?
nakakatawa noh?! ako din kahapon pauwi..hindi ko dala ang camera ko..ang daming kong nakita na pwedeng magamit sa mga susunod na linggo! sayang!
maligayang biyernes!
haha ako din, nafeel kong nagmamadali ka talaga! pero ok yang kuha mo, ang vintage ng dating. ang ironic nga eh. vintage yung feel pero napaka-modern nung subject. hehe.
gusto ko yung pagkakuha nung reflection nung cd. naks. hehehe.
kakainis tong litratong pinoy… parati ko na tuloy dala yung camera ko. ha ha ha! nagreklamo pa daw.
haha natawa naman ako sa yo, maganda ang angulo ng litrato mo.. kakasali ko palang pala
wow tagalog! ang hirap no? mahirap din naman mag-english hehe..
naka-pajama talaga si estong sa mcdo, kasi breakfast namin sya dinadala dun
Di bale kahit nahuli, maganda naman ang komposisyon ng iyong napili e :).
hehe, kala ko pinggan ang tinaob mo para lamang makunan, yan eh kung bilog ang pinggan nyo…
nakakatuwa ano, kasi kitang kita ang efforts ng mga sumali sa photo meme na to
naks ang galing ng sepia
grabe jeanny, ako naman ay napagod sa dinaanan mo para makuha ang litratong iyan. mabuti at naihabol pa rin.
sa susunod na huwebes ulit?