Ako ay bilog (at sepia)

April 3, 2008

Ako’y tumatakbo ng mabilis upang maihabol itong entry ko para sa L.P #1. Huli na ba ko??? Malapit na!!!!

Dahil naiwan ko ang aking kamera, nagmamadali akong umuwi galing sa aming tanggapan (lalim noh?) para makahanap ng kahit anong bilog sa aming tahanan. Ngunit bago ako makarating, marami akong nakitang mga bilog na bagay gaya ng isang magandang ilaw pang trapiko o kaya yung mga nakapaskil na lathala na hugis bilog. Ako’y nanghinayang…sayang. Kakainis di ba. Kung dala ko lang ang aking kamera tiyak nakuhaan ko na yun ng larawan. Pag dating ko sa aming tahanan, kagyat akong naghanap ng bilog. Inabot ako ng ilang oras din para makahanap ng bilog. Kaya heto, sumakit ang katawan ko dahil tinaob ko ang buong sambahayan.

…at sa aking paghahanap eto ang nakuhaan ko ng larawan

Ngayon kung kayo ay mahilig mag kodak dali at makilahok na dito

Entry Filed under: Litratong Pinoy. .

13 Comments Add your own

  • 1. tin  |  April 7, 2008 at 7:58 pm

    grabe jeanny, ako naman ay napagod sa dinaanan mo para makuha ang litratong iyan. mabuti at naihabol pa rin. :) sa susunod na huwebes ulit? :)

    Reply
  • 2. manilenya  |  April 7, 2008 at 12:01 pm

    naks ang galing ng sepia :)

    Reply
  • 3. Girlie  |  April 6, 2008 at 1:54 am

    hehe, kala ko pinggan ang tinaob mo para lamang makunan, yan eh kung bilog ang pinggan nyo…

    nakakatuwa ano, kasi kitang kita ang efforts ng mga sumali sa photo meme na to

    Reply
  • 4. Pinky  |  April 5, 2008 at 10:10 pm

    Di bale kahit nahuli, maganda naman ang komposisyon ng iyong napili e :) .

    Salamat sa pagdalaw sa aking “site”! Hanggang sa muli! Ingat!

    Reply
  • 5. alpha  |  April 4, 2008 at 11:14 pm

    wow tagalog! ang hirap no? mahirap din naman mag-english hehe..

    naka-pajama talaga si estong sa mcdo, kasi breakfast namin sya dinadala dun :D

    Reply
  • 6. jennyL  |  April 4, 2008 at 8:43 pm

    haha natawa naman ako sa yo, maganda ang angulo ng litrato mo.. kakasali ko palang pala

    Salamat ha. Sa susunod na pagdalaw mo ulit :)

    Reply
  • 7. jenp  |  April 4, 2008 at 1:53 pm

    gusto ko yung pagkakuha nung reflection nung cd. naks. hehehe.

    kakainis tong litratong pinoy… parati ko na tuloy dala yung camera ko. ha ha ha! nagreklamo pa daw.

    Hahaha..ako rin eh bumigat tuloy bag ko, bwhahahaha

    Reply
  • 8. ris  |  April 4, 2008 at 10:29 am

    haha ako din, nafeel kong nagmamadali ka talaga! pero ok yang kuha mo, ang vintage ng dating. ang ironic nga eh. vintage yung feel pero napaka-modern nung subject. hehe.

    Hi kapatid. Thank you sa pag daan. Sa susunod na lhuwebes ulit…kita kitat tau sa LP :)

    Reply
  • 9. Lizeth  |  April 4, 2008 at 9:59 am

    nakakatawa noh?! ako din kahapon pauwi..hindi ko dala ang camera ko..ang daming kong nakita na pwedeng magamit sa mga susunod na linggo! sayang! :)

    maligayang biyernes!

    Hello lizeth. salamat sa pagdalaw. ako man excited na rin sa susunod na linggo. Promise dala ko na lagi camera ko. Maligayang biyernes din sa u :)

    Reply
  • 10. Linnor  |  April 4, 2008 at 5:07 am

    Curious ako… ano kaya laman ng mga cd na yan? :D

    Naku linnor, puro mga installer yan. Mga games, programs at kung anu ano pa. Meron kasi kaming negosyong computer rental shop. kaya ayan daming nagkalat na cd sa buong kabahayan…. :)

    Reply
  • 11. Thesserie  |  April 4, 2008 at 12:09 am

    Ay! natawa ako sa iyong kwento na itinaob mo na buong sambahayan makahanap lang ng bilog, ako din ay nahirapan maghanap ng gusto kong bilog para kunan ng larawan. Pero ang ganda ng sepia ng CDs, pramis :)

    ako naman, makalimutan ko na bitbitin asawa ko, huwag lang ang camera ko *lol!

    maayong Huwebes sa iyo!

    Halu Thess. Salamat sa pag daan ha. Hahaha…ganun kahalaga talaga ang camera noh. Mabuhay!!!

    Reply
  • 12. Meeya  |  April 3, 2008 at 11:51 pm

    hahaha, nakakatawa naman jeanny! ramdam na ramdam ko ang iyong panghihinayang, panic, pati na rin ang pagod sa paghahanap ng mali-litratuhan. :D

    huli man at magaling, naihahabol pa rin. :)

    maligayang huwebes! :) *muah*

    Mama meeya muah muah…salamat sa naisip nyong ito. Naaliw ako talaga. Salamat at labyah :)

    Reply
  • 13. munchkinmommy  |  April 3, 2008 at 11:41 pm

    mabuhay jeanny! :D ang ganda ng reflection ng cd. :) nakakahinayang nga pag walang camera lalo na sa ating mga bloggers ano?! :) hee hee!

    maligayang huwebes sa iyo at salamat sa pagdalaw sa aking site. :D

    Munchkin Mommy
    Mapped Memories

    Mabuhay!!!

    Salamat at naibigan mo tong mga larawan. (wuahhh, hirap panindigan ang tagalog) Tama ka mahalaga mga sa ating ang kamera to catch precious moments. :)

    Salamat sa pagdaan :)

    Reply

Leave a Comment

Required

Required, hidden

Some HTML allowed:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Recent Comments

dong ho on Dreams….
upto6only on Dreams….
upto6only on Sizzling Pepper Steak
blue rose on Dreams….
kg on Dreams….

Recent Posts

Categories

Archives

RSS Startin' A New Life Too

RSS What’s keeping me!

Subscribe to my blog

 

Subscribe in Bloglines

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

Copyright

* 2005-2008 by Jeanny De Jesus *

All rights reserved. Please do not use my original photos or reprint my writing without asking me for permission. Thank you!

Blog Stats

Meta